XXXIV

28.2K 906 299
                                    

Chapter 34.

NAAAWA ako kay Daryl at the same time ay nag aalala ako dahil sa sakit niya. But I can't give him what he wants. He wanted me to stay with him for the rest of the night.

But no...

Ayokong magkaroon na naman ng dahilan para mag-away kami ni Kenshin. Masaya na kami at nagkaliwanagan na kami. Nasampal na ako ni biatch para magising sa katotohanan at itama ang desisyong nagawa ko. Tama na iyong  nagkasakitan kami ni Kensh.

"Daryl, sorry pero kailangan ko talagang umuwi."

"Please, Frey..." pagmamakaawa niya. "Ang sama sama lang talaga ng pakiramdam ko."

"Then I will bring you to hospital." Iyon naman talaga ang dapat kong gawin. Dahil doon, siguradong safe siya. Hindi naman ako doctor para manatili sa tabi niya na anytime ay matutulungan siya kapag may naramdaman siyang kakaiba sa katawan niya.

Alam kong may cancer siya. Malala iyon at alam ko ring doctor ang mas kailangan niya ngayon at hindi ako.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "I'm begging you, Cybel. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. Nanghihina ako..."

"Daryl."

He looked at me with his sad eyes.

"Dadalhin kita sa hospital ngayon. I have my car, idadaan kita doon bago ako umuwi. You need to go there."

"Pero ikaw ang kailangan ko, Cybel."

I don't know why I felt irritated with that. Oo, naaawa ako sa kaniya. May cancer siya e. Pero sa halip na mas isipin niya ang pagpunta sa hospital, ipinipilit pa niyang ako ang kailangan niya.

Okay, I get it that he likes me. But it's his health and safety!

"Daryl, hindi ako doctor. At lalong wala akong alam na mga medical terms or kahit anong kinalaman sa medicine. You need a doctor." Pilit ko. Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at gusto ko lang naman na gumaling siya kaya ginagawa ko 'to.

I'm just saving him while saving my relationship to Kenshin.

"Sorry..."

"Daryl, nag-aalala ako sa 'yo kaya gusto kitang dalhin sa hospital. Tulad ng sabi mo, may kakaiba kang nararamdaman at nanghihina ka. Kailangan mong magpa-check-up." Mahinahon kong sabi.

Parang ngayon ang unang pagkakataon na gusto ko nang mainis sa kaniya dahil sa pinagpipilitan niya.

Mas humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. "Ngayon lang, Cybel... please? Hindi ko kailangan ng doctor."

"Daryl, please din makinig ka naman sa akin." I heavily breath. "As much as I wanted to stay with you, I can't. Alam mo kung bakit. Yes, I am your friend. Kaibigan ang turing ko sa 'yo and I always appreciate you for what you did for me pero this is not right. I still need to go home and my home is Kenshin. You know that."

Bumitaw siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang matumba.

"Daryl!!" Ang lakas lakas ng labog ng dibdib ko.

Mabilis ko siyang dinaluhan. May malay siya pero para siyang nanghihina. Oh my gosh, I really need to bring him to the hospital.

"Dadalhin kita sa hospital, sa ayaw at gusto mo." May pagdiin sa boses ko.

Tutulungan ko na siyang tumayo pero mabilis niya akong nahila at bigla akong napadapa sa ibabaw niya.

"Freya Cybel..."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon