XXVII

41.7K 1.4K 776
                                    

Chapter 27.

MASAYA ako. Kinakaya ko naman ang mga pagsubok sa buhay. Minsan, hindi naman kasi talaga maiwasan iyong hirap lalo na't alam kong hindi ko naman mapapagkasya. Kaya nga may kasabihang, try and try until you succeed. Iyon ang main goal ko sa buhay at naniniwala akong darating din ang tamang panahon para sa unity ng pearly shell ko at ng banana ni Kensh. They will become one. Parang EXO, we are one.

"Frey."

"Kensh, nakakagulat ka naman."

"Ano bang iniisip mo?"

"Wala naman. Naiisip ko pa rin kung ano ba ang dapat nating gawin ngayong narito tayo sa kwarto ko. Umalis si biatch kasama si Drake kasi may check up siya. And... you know..."

Ang landi ko! Baka naman kasi pwede ba naming subukan ulit habang kami lang ang narito sa unit. Kahit magsisigaw ako, walang makakarinig.

"Huwag, Frey. Masama 'yon. Mas gusto kong alam nina bro na may ginagawa tayong kababalaghan."

"Kensh naman! So kailangan magpaalam ka lagi kay Drake kapag lalandiin mo ako?!"

Imbyerna naman! Madalas ko nang nakakausap si Kenshin as siya. Iyong dark side niya pero may mga times pa rin naman na tinatamaan siya ng ka-inosentehan niya at ka-pilosopohan.

"Hindi naman sa ganoon, Frey. Proud kasi ako."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Proud daw siya? Na ano? Na ako ang babaeng mahal niya? Enebe.

"Na ako..."

"Proud ako na marunong na akong gumawa ng kababalaghan. Expert si Drake do'n."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ano pa bang aasahan ko sa manhid na lalaking 'to.

Siya iyong real definition ng expectation vs reality. Asa asa ka lang kasi kapag nag-assume ka, bokya.

"Frey."

"O ano?"

"Pwede ko bang..."

Napalunok ako. Nakatingin siya sa labi ko. Damn him! Buti nalang nag lip balm ako, strawberry flavor. Kinagat ko ng bahagya ang labi ko para hot tingnan.

"Ano 'yon, Kensh?" May pa-twinkling eyes pa ako para mas cute.

"Pwede ko bang sukatin ng ruler ang baba mo? Parang umiiksi na e."

Nawala 'yong excitement ko. Bwisit na lalaki ito! Ayan na naman siya e. Hindi ba pwedeng wild siya ngayon? 'Yong bad side niya, tipong pinupunit niya ang panty ko, enebe.

"Nakakainis ka naman, Kensh. Akala mo ba natutuwa pa ako tuwing inaano mo ang baba ko? Inaano ka ba niyan, ha? Saka sinukat ko na 'yan ng ruler. Hindi naman gano'n kahaba ah!"

Ngumisi siya. Ngising parang ready na akong magtanggal ng bra sa harap niya.

"Seryoso, Frey."

"Ikaw lang naman ang hindi seryoso e."

"Fine. May gusto akong itanong. Disappointed ka ba kasi masyado akong malaki? Hindi naman ito ganoon kalaki kapag... hindi matigas."

Napalunok ako. My innocent---oops not innocent anymore!

Pero grabe, akalain ko bang kailangan naming maging vocal about sa TT niya. Nakakaloka!

"Actually, hindi ko expected iyon. Akala ko nga medium lang e." Nahihiya pang sabi ko.

"Talaga, Frey? Pero gusto mo?"

Tumango ako with pouty lips pa. "Gustung gusto, Kensh."

Ngumiti siya. "Try na ulit natin? Practice tayo?"

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon