XXXXII

2.6K 105 46
                                    

"HOW's your day? Parang hindi na ako importante sa 'yo. Pakiramdam ko, hangin nalang ako. Dinadaan daanan mo. Wala na ba? Wala ka nang nararamdaman para sa akin? Hindi mo na ako mahal? Sa isang iglap, nagising ka nalang na hindi mo na ako mahal?" I looked at his eyes. "Sagutin mo ako!"

Tinaasan ako ng kilay ni Kenshin.

"Fuck it, Frey. We just had sex. We made love. Tinotopak ka na naman."

Niyakap ko siya sa braso niya saka bahagyang pinisil iyon. "Ikaw naman, hindi na mabiro. I was just trying to be a sad girl." Tumawa ako.

"Para kang ewan, Frey." He heaved a sigh. "Nag-usap kami ni Duke kahapon. Gusto ko siyang i-enroll ulit sa elementary. Napaka obob."

Aba ang lalaking 'yon, talaga namang ang kapal ng mukha niya! Ano bang trip niya? Aalis alis tapos ngayon, mangggugulo!

"Why? What happened? Anong napag-usapan niyo?"

"He wants Cherrypink back. Niloko ko nga ang gago na kasal na si Drake at Cherrypink at may anak na sila. Aba ang gago, willing daw maging kabit."

Humagalpak ako ng tawa. "He's crazy. Bakit kasi bumalik pa siya! Nakakaasar ha! Ilang taon na tahimik ang buhay natin. Ilan taon na rin tayong ganito, Kensh."

Napakislot siya. "Bakit napunta sa akin, baba?"

Ngumuso ako. "Kelan mo ba ako pakakasalan? Baka nakakalimutan mo, may shingshangshung pa."

"Tama ka na, baba." He said. "Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko?"

Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko. Kasi totoo naman, gabi gabi yata kaming may gyera. Ang sherep nya kasi.

"Grabe ka naman! Para mo namang sinabing katawan mo lng ang habol ko sa 'yo, Kenshin!"

"Tch. Dami sinasabi." Tumayo siya saka nagsuot ng sandong itim. "Kain tayo sa baba."

"Anong kakainin natin?"

"Pagkain?"

Suminangot ako. "Ikaw, pilosopo ka talaga. Saka ikaw ha, kung ano ano ang itinuturo mo kay baby biatch na mga words."

"Pang matatalino lang 'yon, Frey." Anya.

"Tingin mo sa akin, bobo? Hello!"

"Ang dami mo naman laging sagot, baba." Aniya. "Kakain ka ba o ikaw ang kakainin ko?"

I bit my lower lip. "E kesye, enebe, parang sira naman 'to!"

He chuckles. "Tara na sa baba."

Bumangon ako mula sa kama saka sumunod kay Kenshin palabas ng kwarto ko. Oo, kwarto ko na halos tinirhan na rin niya.

Nang makababa kami ay naabutan namin si Drake na umiinom ng canned beer sa living room.

"Si biatch?"

"Pinatulog ko na." Sagot niya. "Tanginang Duke."

Galit na galit pa rin sila sa Palermo na 'yon. Sino ba namang hindi pagkatapos ng ginawa niya kay biatch.

"Lasing ka na yata, bro." Sabi ni Kenshin kay Drake. "Kanina ka pa ba umiinom?"

Umiling si Drake. "Nah. I just got home. Hinatid ko pa si Empress sa bahay nila."

Pumunta ng kitchen si Kensh para kumuha ng foods namin. Maigi nang samahan dito sa living room si Drake. Sa aming tatlo, siya talaga ang grabe ang effort at tulong na nagawa para kay biatch.

"Bakit? Nagwalwal na naman ba si human melons?" I asked. In all fairness, consistent ang pagiging chaperon niya kay Empress. Pasaway kasi ang babae na 'yon.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon