XXXVI

33.3K 824 307
                                    

Chapter 36.

NAKATULALA ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko lubos maisip ang mga pangyayari. Kahapon lang masaya kami, mahal niya ako, mahal ko siya pero lahat iyon naglaho na parang bula. Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba gusto niya akong makasama habang buhay? Akala ko ba kami na talagang dalawa hanggang sa huli? Malagim na aksidente lang pala ang magpapahiwalay sa amin.

Tatanggapin ko ba?

"Hoy, biatch! Tulala ka na diyan! Apektado much?"

Inirapan ko si Cherrypink. "Alam mo, panira ka talaga ano. Ini-imagine ko na nga sa isip ko iyong nangyari. Grabe kawawa naman sila. Paano kung mangyari sa amin ni Kenshin ang ganyan? Hindi ko yata kaya."

"Ay feeling mo nasa teleserye ka?"

I rolled my eyes. "Ewan ko sa 'yo, biatch. Bakit kasi nahilig ka sa mga teleserye? Pati tuloy ako nahahawa e."

"Syempre libangan ko 'yan ngayon habang nagpapahinga lang ako dito sa condo. Ayaw niyo naman akong payagang magtrabaho."

"My gosh, biatch! Magtatrabaho ka na umbok na tiyan mo? Maawa ka kay baby biatch, nasa tiyan palang working student na agad ang mangyayari sa kaniya kapag nag-work ka. And besides, wala kang dapat isipin sa gastusin dito 'no! We're here, duh!"

"Ang laki na ng utang na loob ko sa inyo..."

"Para saan pa at magbestfriend tayo? As long as kaya ka naman naming tulungan, why not? Saka, tumigil ka na nga sa drama na 'yan, biatch. Iyan napapala mo kakanuod ng teleserye."

"Ah, kaya pala ikaw umabot na sa pag-imagine na kayo ni Kenshin ang bida sa teleserye."

"Ibang usapan iyon like iniisip ko what if may mga twist chorva pala ang buhay bamin ni Kensh. Minsan pa nga naiisip ko na baka bida lang kami sa isang drama o kaya sa libro tapos iyong writer ang may hawak ng kapalaran namin. My gosh, hindi ko ma-imagine."

"Grabe ka naman mag-imagine."

"Syempre nakita ko lang do'n sa teaser ng isang korean drama. Nakita ko sa facebook. Naloka ako. Na-realize nong babae na character lang siya sa webtoon. Arghhh! I don't even want to think about it. Iisipin ko palang, naku, naku! Baka sugurin ko ang author! This is my life!"

Pinatay ni biatch ang TV. "Tama na ang panonood. Masyado nang malawak ang naaabot mo." Sabi niya.

Sumimangot ako. "Paano naman kasi, pakatagal nina Kenshin!" Reklamo ko.

"Sa dami kasi ng pinabili mo, malamang matagalan iyon." Sabi ni biatch.

Inutusan naming mamili sa grocery ang dalawa ni Kensh at Drake. Mag-foodtrip kami rito sa condo with inom na rin. Kailangan lang syempre ng foods and everything para kay biatch dahil hindi siya pwedeng uminom.

"Ano na palang nangyari kay Tito Kit?"

Bigla ay kumulo ang dugo ko. "Don't even ask me, biatch! Susunugin ko talaga ang kilay no'n! Pagkatapos ng ginawa niya kay Kensh!

Tumawa si biatch. "Hiyang hiya naman ako biatch. E halos hindi na kayo magpatulog ni Kensh kagabi. Naloka ako sa horse ride mo na sinisigaw ni Kensh!"

Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko. Kesye nemen e! Landi ni Kenshin kagabi. Sa sobrang lutang siya at sa sobrang init ng pakiramdam niya, halos magdamag kaming gumawa ng milagro. Huli na rin noong na-realize ko na sobrang ingay pala namin.

"Sorry na, biatch." Sabi ko.

"Gan'on talaga, biatch. May mga times talaga na sa sobrang gusto mo 'yung ginagawa niyo, nakakalimutan mong hindi lang kayo ang tao sa mundo."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon