XXII

36K 1.3K 822
                                    

Chapter 22.

MASAYA ako hindi dahil kay Kenshin, kundi dahil kakatapos ko lang mag-impake ng gamit na dadalhin ko sa Palawan with shingshangshung. Na-e-excite ako kasi alam kong malayo iyon. Malayo sa heartaches at malayo sa taong dahilan ng pagiging tanga ko.

"Biatch, sure ka na talaga na sasama ka kay Daryl? For real? Paano kung buntisin ka niya? And worst, pilitin na magpakasal kayo?"

"Iintindihin kong buntis ka kaya OA ka, biatch. Jusko, tingin mo naman sa akin, walang kamuwang muwang at basta nalang magpapabuntis?"

"Uh, oo?"

"Kaibigan nga kita." Sinimangutan ko siya. "Pero seriously, sigurado talaga ako na sasama sa kaniya sa Palawan. Period. No erase."

Sa isang araw ang alis namin pero nag impake na ako ng mga damit na dadalhin ko dahil may pa-party kami ngayong gabi at bukas naman ay aayusin ko ang mga gamit ko dito sa unit ni biatch na originally na unit ni Drake. Nagpasya kasi akong lumipat muna dito para may kasama si biatch. Lumalaki na rin kasi ang tiyan niya and hindi naman siya pwedeng mag-isa palagi rito. Tapos busy rin naman si Drake sa business niya. Sobra sobra na ang ginawa niya for biatch.

This time, it's my responsibility naman na alagaan siya. Nitong nakaraan kasi ay madalas siyang mahilo kaya nagpa-check up siya kahapon at sabi ng ob-gyne niya, mas maigi raw kung magpahinga muna si biatch habang buntis. Huwag muna daw siyang mag-trabaho. So ayun, agad din akong nag-decide na lumipat dito. Tinulungan ako ni shingshangshung na dalhin lahat ng gamit ko rito kanina.

"Sure na sure talaga? Hindi ka na mapipigilan?"

"Sure na nga. Saka why not ba? Parang vacation ko na rin iyon, biatch. One week lang ako do'n, so everyday, kailangang i-update mo ako kung anong happenings sa 'yo."

"Biatch naman, ako pa rin ang iniisip mo."

"Syempre, bestfriend kita e. Talikuran ka man ng lahat pati pamilya mo, isama mo pa iyong Duke na walang balls na iyon, ako, hinding hindi kita tatalikuran."

"Nakakainis ka naman e! Pinapaiyak mo lang ako."

Sensitive talaga si biatch ngayong buntis siya. Sarap sabunutan.

"Pero, paano pala 'yung pa welcome party ko sa 'yo tonight?"

"Anong paano?"

Welcome party daw para sa akin kasi nga bagong lipat ako dito sa unit na 'tom

"Si Kenshin, syempre invited siya. Kasi..."

"And then? Of course, invited siya. Nasa circle of friends natin siya e. Magkakaibigan tayo kaya natural lang na kasama siya sa party tonight."

"Okay lang ba sa iyo, biatch?"

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Kasi iyong nangyari last time."

Oo nga, talagang nagkainitan sila ni shingshangshung that time. And I hate him more dahil sa pinakita niyang iyon.

"Biatch, kung iyon ang inaalala mo, don't. Okay? Hindi naman pupunta si shingshangshung. Marami rin siyang inaasikaso ngayon kasi nga one week kami sa Palawan. So I think, hindi naman aaktong abnormal na naman si Kenshin tonight."

Huminga ng malalim si biatch. "Pero alam ko at ramdam ko naman na gusto ka niya biatch. Hindi lamg siguro talaga kayang maging vocal."

"Duh! Vocal siya, biatch. Sobrang vocal niya na ipamukha sa akin na hindi niya ako gusto." Sabi ko.

"Pero kahit na. Malay mo naman kasi 'di ba? Paano kung kunwari lang pala na hindi ka niya gusto pero gusto ka niya. Action speaks louder than words."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon