XV

36.3K 1.3K 652
                                    

Chapter 15.

LUMIPAS ang isang araw. Realization hits us that there's really no more Duke but more heartaches and pain for biatch. Awang awa talaga ako sa kaniya dahil mahal na mahal niya ang gagong lalaki na 'yon.

How dare him?!

Alam kong niloko siya ni biatch noong una but it's not a reason for him to hurt her like this. Grabe siya! As in. Hinding hindi ko na siya matatanggap pa para kay biatch.

"Frey, sigurado ka bang sasama ka sa simbahan?"

I rolled my eyes and looked at Kensh. Lalo kong minahal ang lalaking ito. Hanggang ngayon ay napakalinaw pa rin sa isip ko ng narnig ko iyong mga sinabi niya kay Duke.

Now, kahit ipagtulakan niya ako palayo at lahit pa barahin niya ako ng paulit ulit at ipagkalandakan sa akin na hindi niya ako gusto, I won't mind. Mas lumakas ang confidence ko na mahalin siya nang walang hinihinging kapalit.

"Anong tingin mo sa akin, demonyita? Duh. Baka 'yang ex bestfriend niyo, demonyito!" Sabi ko. Si Duke ang tinutukoy ko.

They are ex bestfriends now. Itinakwil na siya nina Kenshin at Drake. Ano naman klase silang kaibigan ng malaking butas na ilong na Sophia na 'yon? Mga taksil!

"Wala namang demonyitang mahaba ang baba."

"Bwisit ka! Isusumbong kita sa pastor niyo!"

Ngumiti siya. "Baba. Baba. Baba."

"What the hell, Kensh! You're not gonna say that again or else, hahalikan talaga kita with matching licking!" Paglalandi ko.

Ang sarap niya kayang landiin. Lalo na kapag na-triggered siya. Lumalanas ang wild side at hindi ko kinakaya kasi masherep.

"Masama 'yan, Frey."

Here he goes again. An innocent and super duper bait na nilalang. But I know, behind his kindness, there's something na may bad side, something like that.

Ipinarada na ni Kenshin ang kotse niya dito sa may parking ng simbahan.

Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko. Yes, I admit, hindi ako gaanong sumisimba but that doesn't make me a bad person. Hindi lang talaga ako palasimba.

Pagbaba namin ay sinalubong kami ng nakakairitang babae na 'to. Feeling ko talaga siya ang aagaw ng atensyon ni Kensh sa akin. Argh, sabunutan ko 'yan mamaya e.

"Hi, Ate! Kasama ka pala ni Shinshin!" Nakangiti niyang sabi.

Aba't ang bruha, may pagtawag ng shinshin? The heck?

"Chichi, and'yan na ba si pastor?"

Say whuutt? Anong chichi? Seriously, may tawagan silang dalawa? Samantalang kami, wala?! What the hell!

Nag-iinit talaga ang ulo ko sa babae na 'to. Feeling ko din nagpapanggap lang siyang mabait. She's not, duh! May kalandian din 'yang itinatago sa katawan.

"Wala pa, shinshin e. Baka na-late lang siya."

"Tara, baba." Sabi ni Kensh sa akin. "Doon tayo sa may bench maupo habang hinihintay si pastor "

Gosh! May tawagan sila tapos ako, baba?! Insulto ang sa akin, kaloka! Nakakapagselos ha!

Pumunta kami sa mga bench. Hindi ko alam kung bakit sumama ako kay Kensh sa bible study nila.

"What's your name again?" Tanong ko sa babaeng mahadera! Actually, I know her name. Gusto ko lang talaga itanong.

"Bibili lang akong maiinom natin." Paalam ni Kensh.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon