XIX

33.4K 1.2K 377
                                    

Chapter 19.

NANGGIGIGIL talaga ako! Gigil na gigil to the point na gusto kong sugurin ang pamilya ni Duke. Arghh! How dare him?! Pagkatapos niyang iwan sa ere si biatch, na wala siyang kamuwang muwang na nabuntis niya, todo post pa siya sa social media kung gaano siya kasaya kasama ang kababata nilang 'di naman kagandahan! Bwisit talaga!

"Sana... sana kasi hindi ko na tiningnan amg facebook niya."

Huminga ako ng malalim. "Ikaw naman kasi biatch! Sabi ko naman sa 'yo, iwasan mo nang magtingin tingin ng newsfeed saka hangga't maaari, huwag ka nalang mag-facebook!"

Iyak ng iyak si biatch. Si Duke naman kasi napaka walang balls! Bakla ba siya? Letse siya. Kapag talaga nakita ko ulit siya, sisipain ko ang banana niya!

"Hindi na nga e. Nag-deactivate na ako." Aniya.

Nakakaawa talaga 'tong bestfriend ko. Ako 'tong feeling brokenhearted pero pakiramdam ko, wala akong karapatang magdrama dahil mas kailangan kong maging malakas para naman kay biatch. Alam kong sobramg sakit ng nararamdaman niya ngayon.

"Mabuti naman. Magbihis ka na nga para masamahan na kita sa inyo."

Pinapunta ako ni biatch dahil nagpapasama siyang umuwi sa mansyon nila para ipaalam sa parents niya na buntis siya. Natatakot daw kasi siya pero at the same time ay umaasa siyang matutuwa ang parents niya na magkaka-apo na sila.

Tumango lamang siya saka umakyat sa kwarto niya. Hay, kung ako siguro ang nasa katayuan ni biatch, baka hindi ko kayanin.

Imagine iyong lalaking mahal na mahal mo. Pinangakuan ka ng kasal, masaya kayo tapos nagising ka nalang isang araw na wala na siya at sumama na sa ibang babae. Ang masaklap pa, sinabi sa 'yong hindi ka pala talaga niya mahal. Tapos ano, makikita mo na ang saya saya niya habang ikaw lugmok sa kalungkutan.

Napailing nalang ako. Aabot kaya kami ni Kenshin sa ganito? Ang pinagkaiba nga lang, never namang sinabi sa akin ni Kenshin na gusto niya ako. Wala siyang kahit anong ipinangako sa akin kaya may karapatan siyang basta nalang akong iwan. Uh, bakit niya ako iiwan kung wala namang kami? Assumera talaga ako.

"Ready na ako, biatch."

Tumingin ako sa gawi ni biatch. Nakabihis na siya. Nagpalit lang naman siya ng damit.

"Let's go." Sabi ko saka tumayo na. Nagpresinta na ako ang magda-drive kasi jusko, kailangang mag-ingat ni biatch lalo na ngayon na iyong isip niya, tuliro dahil sa gagong Palermo na 'yon!

Lumabas kami ng unit niya. Sakto namang tumatawag si Kensh. Ano na namang kailangan niya? Nanibago ba siya na hindi siya naka-recieve ng morning message kanina? Ganoon kasi ako, every morning, palagi ko siyang sinesendan ng text message pero kanina ay sinubukan kong pigilan ang sarili ko.

Feeling ko kasi talaga napapagod na ako sa pagmamahal sa kaniya.

Para bang nauntog ako at nagising sa katotohanang kahit anong gawin ko, hinding hindi niya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko. Na para bang hanggang kaibigan nalang talaga kami.

Kilala ko ang sarili ko. Marupok na sa marupok! Pero kapag naabot ko na iyong limitation ko, maglalahong parang bula ang kahibangan ko.

Nagsimula na akong magmaneho nang makasakay kami ni biatch sa sports car ko. I love this car. Bumili na naman ako gamit ang credit card na bigay ni Papa. Well, I know spoiled ako kahit sa totoo lang, wala akong naitutulong sa pamilya ko but then, sinusunod ko lang naman kung anong gusto ko talagang gawin sa buhay ko.

My passion is to be a model. Sikat na model, actually. At sana matupad iyon dahil ngayon ay nagsisimula na ako sa mundo ng modeling.

"Biatch, ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nina Mama at Papa? Magiging masaya kaya sila?"

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon