XXV

37.5K 1.3K 520
                                    

Chapter 25.

NANG makapasok kami sa condo unit ay hindi na mapakali ang puso ko. Ang lakas lakas ng kabog dahil aa sinabi ni Kenshin.

Sleep with me...

Ayokong mag-assume pero pakiramdam ko, ang ibig niyang sabihin ay mag-chukchakchenes na kami!

Handa na ba ako? Handa ba kong ibigay sa kanya ang aking most precious one?

"Bro, problem?"

Sinalubong kami ni Drake. He's drinking beer sa living room.

"Wala, bro. Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala."

I feel bad for Kensh. Alam mo 'yung, tinatago niya sa sarili niya iyong problema niya dahil ayaw niyang mag-alala sa kanya ang mga kaibigan niya. Pero kung tutuusin 'di ba, pinaka-komportable tayong magsabi ng problema sa mga kaibigan natin kasi sila 'yung mga taong hindi ka huhusgahan.

"Dito ka raw tutulog?" Tanong pa ni Drake.

Ako naman, tahimik lang na nakamasid sa kanila kasi promise, malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Oo bro, doon ako tutulog sa kwarto ni Frey."

Napalunok ako. Seryoso nga siya na doon siya sa kwarto ko.

"You, sure?" Tanong pa ni Drake.

"Oo, bro. Wala naman akong sinabing joke 'di ba? Obob ka talaga."

"Lmao."

Sumingit na ako sa kanila. "Taas na tayo, Kensh. 'Di ba may inom ka pa, matulog ka na." Sabi ko pero deep inside iniisip ko na baka may kababalaghan kaming gagawin.

"Sige, baba." Sabi niya.

Sabay kami paakyat sa hagdan pero natigilan kami nang magsalita si Drake.

"May condom ka bro? I have. Do you need some?"

Muntik na akong masamid. Gagong Drake 'yan! Sinamaan ko siya ng tingin. Nakangisi lang siya na parang nang-aasar pa. So anong tingin niya sa akin, marupok? Na porke magkasama kami ni Kensh sa kwarto ay bibigay na ako at may mangyayari sa amin?

Pwes hindi siya nagkakamali kaya nakakainis!

"Hindi ko kailangan niyan, bro. Hindi naman ako gumagawa ng bagay na hindi ko gugustuhin. Kung mabuntis ko man si Frey, ginusto ko 'yon. Kaya bakit ako gagamit ng condom?"

Nanlaki ang mga mata ko. So may balak siya? Saka bakit ba ang vocal niya?!

"Fuck, bro. That was deep."

"Talaga. Hindi ako tulad mo na na palaging maraming kinakama kaya kailangan mo talaga ng condom."

"Tangina mo, bro."

Hindi na siya pinansin ni Kensh. Umakyat na siya sa taas kasunod ako.

Nang makarating kami sa kwarto ay nahuli akong pumasok kaya ako ang nag-lock ng pinto. Ngayon ko naisip na dapat pala mga sampung lock ang pinto para walang istorbo. Enebe!

"Frey."

Ayan na naman 'yung mapanindig balahibo niyang boses e. Kinakabahan tuloy ako.

"A-Ano?"

Tiningnan ko siya ay muntik nang mahulog ang eyeballs ko dahil punyeta si Kenshin, topless na.

Napalunok ako habang sinusuri ang pumuputok niyang abs. Matigas 'yon alam ko. Nahawakan ko na e.

"A-Ah, Kensh gusto mo bang ipanghiram kita kay Drake ng t shirt?"

Umiling siya. "Hindi ko kailangan ng t shirt, Frey."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon