Chapter 35: Night of Hearts

193 28 1
                                    

CHAPTER 35
Night of Hearts

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Mayamaya ay magsisimula na ang prom, at si Raven ang date ko mamaya. I don't know why, but I'm so nervous. Something's definitely wrong with me because I am always nervous when I'm around him.

Napaawang ang bibig ko nang makitang sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi. Hindi ko napansing nakangiti na pala ako. Damn, am I going insane?

Inayos ko ang suot kong dress dahil masyado itong masikip, kulang nalang ay hindi na ako makahinga. It was a lace beaded dress with a spaghetti strap. It is a gradient red dress, at ang dulo nito ay kulay white. Bumagay ito sa shoulder-length kong itim na buhok.

Napatingin ako sa tabi ng aking phone kung saan nakalapag ang kwintas na bigay sa akin ni Nikolai. Hindi pa rin ako naniniwala na siya ang nagregalo sa akin, pero sinuot ko pa rin ito.

Muli kong tinignan ang aking repleksyon sa salamin at parang baliw na tumango. Good! I guess maayos na ang lahat para sa akin.

Tumayo ako saka sinuot ang silver high heels na binigay sa akin ni Elena, at lumabas sa kwarto saka nakita si Primo na nakasuot ng tuxedo. Naka-wax pa ang buhok nito habang inaayos ang sarili sa harap ng kanyang phone. What a miracle. He looks like a decent person now.

He greeted me with an amused-no, a stupid amused face. His mouth was wide-open and acted so shocked because of my presence.

"Ikaw ba 'yan? Hindi ikaw si Artemis," biro niya kaya sinipa ko nang malakas ang tuhod nito. He laughed away the pain and looked at me with furrowed brows.

"Masakit, ha-"

"Whatever. Tara na," sabi ko at naglakad pababa ng hagdan. Dadaan muna kami sa bahay nila Elena para sabay-sabay kaming pupunta sa venue.

Sumandal ako saglit sa sasakyan niya nang makalabas na kami at tumingin sa langit.

Full moon na naman ngayon kaya sobrang liwanag sa labas. I smiled because I remember my Mom who used to admire the moon so much. She always tells me a story about siblings who wander around the town every night to feed their curiosity.

They were called the Children of the Moon... but she didn't tell me the ending of her story.

"Primo, what does it feel to... love someone?" I asked out of nowhere habang naglalakad siya palapit sa akin. He chuckled and shooked his head, like I said something stupid.

"Ay delikado ka na, Temi," biro niya at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Sumimangot ako at sumunod sa kanya para sumakay sa likuran.

"Joke! Masaya malamang," habol niya.

"But it is not always like that, right?" tanong ko ng paandarin niya na ang sasakyan. He left out a deep sigh before looking at me.

"Yeah, but being together is what it matters. I always do my best to make my Elena happy, lalo na ngayon," sagot niya at humarap nalang para ituon ang atensyon sa kalsada. Happy, huh?

Kinuha ko ang phone ko sa purse na dala ko nang bigla itong tumunog. Pinigilan kong ngumisi ng makita ang notification rito.

RAVEN
Can't wait to see you.

Hindi na ako nakapag-reply pa nang tumigil ang sasakyan kaya natuon ang atensyon ko kay Elena. Lumabas si Primo sa sasakyan para pagbuksan si Elena saka umikot para sumakay ulit.

"You look different, Artemis," natatawang sabi ni Elena na ngayo'y nakaharap sa rear view mirror para pagmasdan ang sarili.

Nakasuot niya ng black strapless dress na may slit mula sa kanyang hita. She has hoop earrings and her long black hair was curled. Just like what I've expected, she looks like a goddess.

Crownless QueenWhere stories live. Discover now