Chapter 18: He's Raven

257 32 0
                                    

CHAPTER 18
He's Raven

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at tarantang tiningnan ang paligid na hindi pamilyar sa akin. The walls were painted white and a thin blue curtain is surrounding me.

Bakit ako nandito?

"What the fuck, nasaan ako?!" Napatingin ako sa aking braso ng makitang may nakatusok doon. May makina pa sa aking tabi kaya kumunot ang noo ko. Nasa ospital pala ako, pero ano ang ginagawa ko rito?

Gulat na napatingin sa akin sila Primo at Elena na nasa tabi ng hinihigaan kong kama.

"Temi, ba't ka pa gumising?!" bungad ni Primo at napairap ako sa hangin. Kakagising ko lang at ang unggoy na 'to ang bumungad sa'kin. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman itong kumirot.

Pinagmasdan ko si Elena na mukhang gulat pa sa nangyari. Teka, ano bang meron? Para naman akong gumawa ng sobrang lalang krimen kung tignan nila ako ngayon.

"Gusto lang namin sabihin sa'yo na halos lahat ng kalaban natin ay nandito sa ospital, nagpapagaling."

I blinked several times and furrowed my brows in bewilderment before realizing what had happened. And shit, bumalik nga pala ang abilities ko, and I am hella sure that I was not dreaming.

It was real!

"Look at her, she's smiling like a maniac," nakangusong puna ni Elena at napagtanto kong nakangiti nga ako. Primo shook his head and face palmed.

"Gano'n ba lumaban ang isang Nadir?!" Napatingin ang mga nurse sa amin dahil sa pagsigaw ni Primo. Maski ako ay nagulat din sa pangyayari. Shit, my head just fucking ached again!

"What now? I heard Ezra is missing at balita ko ay dumayo siya sa Monarch," sabi ni Elena, dahilan para mamilog ang mga mata ko. Right, si Ezra!

"May pinainom siya sa akin bago ang Lamarille Fest," mahina kong sabi at muling nilibot ng tingin ang paligid.

Sinubukan kong tumayo, pero napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng katawan ko. It feels like I've been beaten hundreds of times since my muscles are sore!

"Holy shit, sinasabi ko na nga ba, eh!"

"Shut the fuck up, Primo. Nasaan si Melody?" tanong ko pero hindi sila sumagot at nanatiling walang imik.

"Artemis, I have some bad news for you," sabi ni Elena at tumapat sa tenga ko para may bumulong.

"Suspended tayong lima ng isang linggo," bulong niya at lumawak ang ngiti ko nang malaman iyon.

Suspended? Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha ni Primo.

* * *

"Tara raw sa Metropolitan. 'Yung bar sa downtown? Celebration daw dahil nanalo ang section natin," tamad na sabi ni Primo habang nagmamaneho ng sasakyan.

Nakasuot ako ngayon ng black crop top at black shorts. Mabuti nalang at medyo maayos ang pinahiram sa akin ni Elena. Mga dalawang araw daw akong nagpahinga sa ospital bago pinayagang ma-discharge.

'Yung mga nakalaban namin sa laro, para akong papatayin kung tumingin nang daanan ko ang mga higaan nila. Lalo na ang grupo ni Lee na muntik pa akong sugurin kanina.

"What? Bar na naman?" sagot ko at dumungaw sa bintana para tignan ang langit. Mag gagabi na at kitang-kita na ang buwan sa langit. I smiled a bit. It feels like I am my old self again.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi sumama si Melody, ayaw niya rin akong makausap. She just congratulated me and walked away.

"Ba't ka ngumingiti-ngiti d'yan? Malalagot na naman ako kila Mom kapag nalaman nilang na-suspend ako," mahinahon sabi ni Primo dahil katabi niya ngayon si Elena, napakaplastik talaga. Umalis ako sa pagkakadungaw at humalukipkip.

Crownless QueenWhere stories live. Discover now