Chapter 25: Reunion

229 30 0
                                    

CHAPTER 25
Reunion

"Hoy, sasama ka ba?" tanong ni Nikolai habang nakaupo sa railings dito sa rooftop. Umiling ako at uminom sa hawak kong yogurt drink.

This guy... ah, he's annoying. Nagpapahangin lang naman ako rito tapos bigla siyang susulpot na parang kabute.

"Corny mo," nang-aasar niyang sabi kaya napairap ako. Nikolai is seriously getting into my nerves. If only I can push him down from the rooftop to make his mouth shut, I will do it.

Para siyang parrot, paulit-ulit niya akong inaayang uminom Metropolitan. Akala niya ka-close ko siya matapos niyang kidnap-in si Melody.

"Gago ka ba? Tigilan mo nga ako," inis kong sabi at hinagis ang iniinom ko pababa ng rooftop. Goodluck nalang sa mababagsakan no'n.

Napaatras naman si Nikolai sa akin at itinaas ang dalawa niyang kamay sa ere. Akala niya siguro itutulak ko siya pababa.

"Edi sige bahala ka d'yan, killjoy," pamimilosopo niya kaya nilapitan ko siya at malakas na hinigit sa kwelyo.

"Hoy!" angal niya at napaluhod sa sahig nang bitawan ko ang kwelyo niya. I smirked. Hah, good for him. Naglakad na ako palayo sa kanya at sinukbit ang bag ko sa balikat.

"S-Sa'n ka?" tanong niya habang nakangiwi. I glared at him and walked away from the rooftop. Geez, since when did I become friends with my enemy?

Napatigil ako sa paglalakad nang may maapakan akong papel at gumuhit ang isang ngisi sa aking labi nang mabasa ang laman nito.

Oh, someone wants to mess with me?

* * *

I walked in the empty hallways with my hands hidden in my pocket. I stopped in front of an empty classroom and confidently opened the door. This was an abandoned club room, so there are no things inside, except for the dusty floor.

Hapon na, pero maliwanag pa rin sa labas na kitang-kita sa bintana. It was quiet since classes has ended at this hour. Kinuha ko sa aking bulsa ang maliit na papel saka ito muling binasa.

Empty club room. 5 PM. 6th floor.

It's already past 5 p.m, tsk. What bullshit is this. Sinipat ko ng tingin ang paligid at walang katao-tao rito kaya binuksan ko ang pintuan para lumabas. Pero nagulat ako nang may humatak sa braso ko mula sa aking likuran. Napadaing ako nang malakas akong hinila pahiga sa sahig at bumagsak ang katawan ko!

"Aray!" singhal ko nang humampas ang ulo ko malapit sa pader. Napasinghap ako nang makita ang mga tao sa harapan ko na may suot na itim na maskara.

Labindalawang tao ang nasa harapan ko at lahat sila ay pamilyar sa'kin. Hindi pa ako nakababangon, pero sinugod na kaagad ako nung isa kaya gumulong ako para maiwasan ang suntok nito.

"Still sharp as ever," bulong nito at ngumisi sa akin. Damn, why the hell are they so familiar?

Lumapit sa akin ang dalawa pang tao at humalukipkip. Hindi ko malaman kung babae ba o lalaki ang mga kalaban ko dahil balot na balot ang mga katawan nila, at kulay itim pa ang mga damit nila. Their heights are nearly the same and their stature.

"Artemis Soleil!" sabi nung isa at sumugod sa akin. Dito ko napagtantong babae ito dahil sa kanyang boses. Matangkad siya at parang nagkita na kami kung saan. But shit!

I was distracted so I got punched in the face and in the gut! Ano bang trip ng mga 'to? I think I should use my ability then. Isa-isa kong tingnan ang pito sa kanila hanggang sa hindi na sila makagalaw sa mga pwesto nila.

Crownless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon