Chapter 33: Who is Night?

195 27 3
                                    

CHAPTER 33
Who is Night?

Papasok na naman kami sa Monarch at sabi sa mga bali-balita, may parating na namang event. A disaster, or something I guess, but I hope it is not something bad. The school should've just cancelled it knowing the situation, tss.

"Artemis, may pinapasabi pala si Mina," sabi ni Primo habang nagmamaneho ng sasakyan. Napakunot ang noo ko habang umiinom ng juice.

"What?" tanong ko at tinitigan ang kanyang repleksyon sa rear view mirror. Papunta pa lang kami sa bahay nila Elena para sabay-sabay kaming papasok. Si Melody naman ay susunduin daw ni Nikolai sa bahay. That guy is totally something.

"Gano'n ulit ang mga nakikita nila, pero mas lumiliwanag sa paningin nila ang mga pangyayari. Alam mo naman ang ibig sabihin no'n, diba?" he asked, causing me to feel bewildered. I felt my hands became cold and shook my head right after.

So it really is possible...

"Malapit na mangyari ang mga nakikita nila," sagot ko at tumingin sa labas. Natatakot ako. Wala akong ideya kung ano at paano ang mangyayari. Baka mamaya o bukas na ito mangyari, hindi ako sigurado. Kailangan lang naming pigilan ang mga pangyayari sa hinaharap para maiwasan ito.

"Third week of February na 'yung prom, 'no?" tanong ni Primo kaya tumango ako. It is my very first time attending a prom. Wait... I think it's-nevermind.

"Yeah," sabi ko at tumingin sa bintana.

Malakas ang pakiramdam ko na may mangyayari sa araw na 'yun.

* * *

"Pwede ba kitang maging date sa prom, Artemis?" Sumimangot ako dahil kakalabas ko pa lang ng classroom namin at napapalibutan na ako ng mga lalaking hindi ko naman kilala.

"Not gonna happen," sabi ko at tumalikod sa kanila. I heard them awe in disappointment so I sighed. Kahit na ganito ako, marami ang nagkakagusto sa akin. Hindi naman sa pagiging assuming, pero iyon ang katotohanan. Sabi kasi nila, boys like brave girls, pero hindi ako naniniwala roon.

"Bilisan niyo nga," sabi ko kila Elena at Primo na nagtatawanan sa likuran ko. Sabay silang napairap sa hangin kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Hoy! Joke lang!" tarantang sabi ni Primo nang hindi siya makagalaw mula sa kinatatayuan niya. Si Elena naman ay tinawanan lang siya dahil ginamitan ko si Primo ng ability ko.

"Whatever," sabi ko at tinanggal ang epekto ng ability ko sa kanya. Sabi rin ng iba, sobrang lakas ko raw pero hindi naman talaga kasi... hindi ako marunong lumaban nang patas.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na malakas ako, pero kapag may mas magaling sa akin, nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. I ended up running away and forgetting everything. Naging malakas lang naman ako dahil sa abilities ko, wala ng iba pa.

"Artemis, tulala ka na naman," puna ni Primo at natauhan ako nang mauntog ako sa pintuan ng cafeteria. I heard the both of them chuckle. Ah, tulala nga na naman ako.

"Tsk, shut up," bugnot kong sabi at tinulak ang pintuan. A smirk formed on my lips when I saw Trinity and Raven sitting together.

"That girl messed with Artemis," rinig kong bulong ni Elena at bumuntong-hininga. I told her about my encounter with her before the Land of Imperials. Yeah, she really is a bitch in disguise.

But I'm glad that Elena already recovered, but I know that deep inside, she's still in pain.

"Kalma babe, hahaha," natatawang awat ni Primo nang makitang pinanlilisikan ni Elena ng mata si Trinity sa malayo.

Crownless QueenWhere stories live. Discover now