Chapter 34: His Date

201 27 2
                                    

CHAPTER 34
His Date

Pagpasok ko ng classroom ay nagkakagulo ang lahat, pero hindi na ako magtaka dahil ganito naman ang eksena araw-araw.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang mga kakaibang bagay sa loob ng room. I saw dozens of heart shaped balloons scattered on the floor and many other heart shaped stuffs. Huh?

"Ano'ng meron?" tanong ko kay Melody dahil sabay kaming pumasok.

"Valentine's day kasi," sagot niya at mahinang tumawa. Napatingin ako sa suot niya at kulay red ang suot nitong t-shirt. Ako naman naka-uniform lang. Napatingin naman ako sa direksyon nila Elena at Primo na nakasuot din ng pulang t-shirt. Uh, ako lang ang kakaiba ngayon

"Ay, study first si Artemis," puna ng mga kaklase ko at sabay-sabay na tumawa. Iba-iba ang mga kulay ng damit nila at napagtanto kong may dress code ngayon dahil nakapaskil ito sa board. Red means?

"What the fuck, you are in a relationship?!" gulat kong tanong kay Melody at tinakpan niya ang mukha niya gamit ang hawak niyang libro. I will really kill the guy who'll make her cry!

"Shh!" She giggled and my eyes widened when I saw Nikolai enter the room. Napatingin ako sa suot nito at halos lumuwa ang mga mata ko.

"Bakit ka nakasuot ng red?" masungit kong tanong at hinarangan ito. His face was just blankly staring at me.

"Ano bang meron?" tanong niya at naghikab pa. His hair was so messy at mukhang hindi pa nagsusuklay. Dugyot.

"Dumbass, may girlfriend ka?" tanong ko at ngumuso naman ito sa akin.

"Tsk. As if kung meron," sabi niya saka ako nilampasan. Oh my god, ano bang meron sa Valentine's?

Umupo na ako sa pwesto ko at nilabas ang phone ko para maglaro ng games. It is my new favorite RPG game at kadodownload ko lang nito kagabi.

Ilang minuto ang lumipas at nagulantang ako nang marinig na maghiyawan ang mga kaklase namin. Namatay tuloy 'yung character ko! Kinuha ko ang tubig ko para pakalmahin ang sarili.

"Naks, waiting pala 'to!"

"Sino ba 'yang inaantay mo, Raven?!" Naidura ko ang tubig na iniinom ko sa harap at tumingin sa pintuan kung saan nakatayo si Raven.

He is wearing a black and white striped shirt. Mabilis namang tumakbo si Trinity para salubungin si Raven ng yakap kaya halos magsigawan na ang mga tao sa room habang ako ay nakasimangot lang. Inis akong naglakad palabas ng room habang bitbit ang bag ko para pumunta sa rooftop. What a sight!

"Huy, Artemis!" habol ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinakinggan at umakyat ng hagdan. If he thinks that I am fucking jealous, then I totally am!

Hinagis ko ang bag ko sa sahig ng rooftop at umupo saka niyakap ang binti ko. He kept on confusing me and I hate it. Kahit sabihin niyang wala siyang gusto kay Trinity, hindi ako maniniwala.

My brows arched when I heard the door opened. It was probably Raven, asking for apology. He is damn annoying.

"Artemi-"

"Go away," sabi ko at tumayo para lagpasan siya, pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin.

"Are you jealous?" he asked and chuckled Inis kong tinabig ang kamay niya at humalukipkip sa harap niya.

"As if," sabi ko at nginisian din siya. Sumimangot ako nang makitang ngumiti ito at tumawa na nang tumawa.

"What the hell is funny?" tanong ko at pinaningkitan siya ng mga mata. He shook his head and reached for something behind his back. My heart raced when he raised a rose in front of me.

Crownless QueenWhere stories live. Discover now