Chapter 30: Trace the Stalkers

212 28 4
                                    

CHAPTER 30
Trace the Stalkers

"Hoy, saan ka nagpunta kahapon?" bungad na tanong ni Primo nang makarating ako sa dining area. Kakaalis lang ng mga magulang niya para pumunta sa airport kanina.

"Wala," sagot ko at umupo para kumain.

I suddenly froze on my spot when I remembered I went out last night to see Raven. Shit.

"May nakuhang impormasyon sila Leo," seryoso niyang sabi kaya napataas ako ng kilay. What's with his sudden change of mood?

"Bakit ba puro ka Leo? Si Taurus dapat ang sinasabi mong nakakahanap ng impormasyon dahil sa ability niya, stupid," sabi ko at tumayo para kumuha ng tubig mula sa refrigerator.

"Si Libra din. Silang dalawa lang naman ang nakakatulong sa gang, eh," dagdag ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Tropa ko kasi si Leo," natatawa niyang sambit at kumagat ng tinapay.

"Mamatay na ang nagtanong." Natahimik si Primo at umaktong nasasaktan habang ngumunguya. Napairap nalang ako at mahinang nagmura.

"Tss, ano ba 'yang sasabihin mo?" tanong ko at ngumisi ito sa akin.

"Alam ko na ang ibig sabihin ng N.S!" galak na galak niyang anunsyo kaya natahimik ako.

Oh, that fucking organization who nearly killed me last night.

"Night Stalkers ang ibig sabihin ng N.S," sabi niya at aksidente kong naibagsak ang hawak kong baso sa sahig. Lumikha iyon ng ingay at nagkalat ang mga bubog sa sahig, pero nanatili akong nakatayo, tulala.

"Temi! 'Wag mo namang basagin 'yung baso namin, yari na naman ako sa kanila, eh," sabi niya habang ginugulo ang sariling buhok. Nanatili akong tahimik habang pilit na pinapasok sa utak ko ang sinabi niya. How could I not know about it?

Night Stalkers, then that makes sense. I've heard the name Night every time I encounter someone from the organization. Then, he should be the one I aim for-the root of evil.

"Shit," I cursed when I remembered something. The victims, and his men... they kept saying his name recklessly. Is it an alias, or his real name?

Then, I guess Night is related to the death of the strange girl named Eliza, who is the hot topic of the town. The girl who studies at Arkin High and disappeared for months with no trace.

"Do you know someone named Eliza?" tanong ko at mukhang natigilan ito.

"B-Bakit mo naitanong?"

"I've heard of her name. Tell me, may kilala ka bang Eliza?" tanong ko ulit at tumikhim ito.

"Siya ang kapatid ni Elena."

* * *

Kasalukuyan kong kasama ang gang dito sa hideout. Abala ang iba para tulungan ako, pero 'yung iba walang ginagawa kundi magharutan, o magrambulan sa loob. Tsk. We are plotting a plan to trace the terrorist organization and its killing pattern.

"Rylee, anong mangyayari sa hinaharap?" seryoso kong tanong habang nakahalukipkip.

"Hindi malinaw, pero may masamang mangyayari sa susunod na buwan," he answered. Taurus or Rylee has a unique ability to time travel for five minutes. Yet it has a dangerous effect when overused, that's why I rarely ask him to use it. I heaved a sigh and massaged the bridge of my nose. This is now getting complicated.

"Mina, sa'yo?" tanong ko at napayuko ito. She has a unique ability like Taurus called Precognition. It allows her to see what'll happen in the future, yet only threats will appear in her vision.

Crownless QueenWhere stories live. Discover now