Chapter 6: Troublemaker from the Past

463 45 14
                                    

CHAPTER 6
Troublemaker from the Past

"May nagligtas sa'yo? Kilala mo?" tanong ni Primo habang tinutusok ng tinidor 'yung platong walang kalaman-laman. I looked down and bit my lower lip when I remembered what happened earlier.

Raven... that guy. What is he doing in the campus? Does he know what I'm up to, or maybe it's just a coincidence?

"Huy, Artemis, nakikinig ka ba?" Natauhan ako nang tawagin ni Primo ang pangalan ko. I shook my head along with the thoughts filling up my mind. God, I am so dazed again.

"A-Ano?"

"Ang sabi ko, kilala mo ba 'yung nagligtas sa'yo?" pag-uulit niya at napayuko ako.

Katatapos lang namin kumain at naiwan kaming dalawa rito sa dining area ng bahay. Nakatulala pa rin ako habang inaalala ang itsura ng babae kanina. The image of her dying body suddenly flashed in my mind, and it was brutal that made me shiver in fear.

"Hindi ko alam."

"Bumalik ka na nga sa taas, Temi. Magpahinga ka muna," nag-aalala na sabi ni Primo at itinaboy ako sa mesa. I rolled my eyes was about to walk away when I stopped halfway when I felt my legs stinging.

The blood was already gone earlier, but I felt a hot liquid streaming down my legs. Damn, the pain is still in there.

"Shit," I cursed and bit my lower lip to endure the lingering pain. Bahagya akong napaupo at napahawak sa binti ko. It was not yet healed since

Elena's not here and I just got home with the help of that person. Ang alam ko nalang ay nakahiga ako sa gate ng bahay nila Primo habang nanghihina.

Narinig ko ang mga yapak ni Primo papunta sa akin at saka ako inalalayan para tumayo.

"Ano'ng nangy-shit, ano 'yan?!" Napadako ang tingin niya sa binti ko kaya nag-iwas ako ng tingin. I look fucking hopeless.

Kaagad niyang kinuha ang kanyang phone at dinukot ang susi ng kanyang kotse mula sa bulsa. I hissed when I felt it sting again, and he looked at me worried as hell. Inalalayan niya akong makaupo sa upuan at bago pa man siya makalabas ay may sinabi ito sa'kin.

"I'll fetch Elena. Mabilis lang 'to," aniya at tumakbo papunta sa pintuan. May napadaan na katulong at tinanong ako kung kailangan bang gamutin ang sugat, pero tumanggi ako. I shouldn't cry about this, but the pain is unbearable!

Damn it, why the hell is it bleeding so bad? Ugh! Buti nalang at hindi pa nakaka-uwi si Melody, kung hindi ay nag-hysterical na ito.

But speaking of Melody, where the hell is that woman?

Napalingon ako sa pintuan nang may marinig na katok doon. Hindi naman pwedeng si Primo 'yon dahil may susi naman siya.

"Misa!" dinig kong pagtawag sa pangalan ko.

Speaking of the devil... nakauwi na nga siya, pero hindi niya ako pwedeng makita ngayon! I stood up but I suddenly closed my eyes when the pain kicked in again!

Tinawag ko ang katulong at inutos na h'wag munang bubuksan ang pintuan hangga't wala akong sinasabi. Pumayag naman siya at tumingin sa akin bago buksan ang pintuan nang sumenyas ako, at eksaktong nakaakyat na ako sa kwarto.

Sinara ko ang pintuan para hindi niya ako makita at binagsak ang aking katawan sa higaan.

"Misa?" tawag niya sa pintuan. Hindi ako sumagot kahit ilang beses siyang kumatok at tinawag ang pangalan ko.

"Siguro tulog ka na. See you tomorrow!" aniya. Narinig ko ang pagsara ng pintuan mula sa kabilang kwarto. My phone suddenly rang and I stared at the caller's ID.

Crownless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon