Chapter 12: Professor Violet

273 34 0
                                    

CHAPTER 12
Professor Violet

Noong mga nakaraang linggo ay naging abala ang lahat ng mga tao sa rito Monarch High dahil sa paparating na malaking event. Hindi lang ito basta-bastang event dahil kada taon lang ito ginaganap sa Monarch, ang Lamarille Fest. Ipinangalan ito sa nakadiskubre ng school na si Juliette Lamarille.

"Temi, anong balak mo ngayong week?" tanong ni Primo habang naglalakad-lakad kami sa magulong hallway.

There are several students running around, mga feeling elementary at naghihiyawan pa. Primo mentioned that Elena's busy on handling the upcoming events, since I heard that she's one of the student council members.

I never knew Elena would join that thing since it never crossed my mind, but people change they say.

"Wala," I responded and shrugged my shoulders. When I was still a Spectre, I used to admire the Lamarille Fest to prove my strength and to be feared by many.

But since I lost my abilities, wala na ring silbi sa akin ang event na iyon. After all, it is just an event exclusive for Spectres.

Primo gave me a disappointed look and said, "Sayang naman."

Huminto kami sa paglalakad at naupo sa bench na malapit sa circle kung saan kami laging nakatambay noon.

I looked at my hands when I felt it shaking again, against my will. I clasped my hands together and sighed. It started when I drank that weird juice Ezra gave me. Iniwan niya nalang ako roon mag-isa at hindi man lang sinagot ang tanong ko. Mabuti nalang at nahanap ako nila Primo.

"Iiwan muna kita d'yan. Pupuntahan ko lang ang prinsesa para sabay kaming kumain mamaya. Hahaha, bye!" aniya at kumaripas ng takbo palayo.

Sumandal nalang ako at tinignan ang mga estudyanteng nag-uusap sa kanilang mga balak para sa event. Mahahalatang inaabangan talaga nila ito dahil panay ang hagikhik nila.

"Excited ka na ba sa mga games?"

"Oo naman! Sino ang elite five niyo?"

"Secret! Surprise nalang 'yun!"

I feel horrified when they mentioned the word elite five, because I used to be one of those. Lamarille Fest has a most anticipated game, and it is the Land of Imperials.

A dangerous yet fun game where I got the title Queen of Ace for winning four times in a row.

"Artemis." Nag-angat ako ng tingin at nakita ang mukha ng isang lalaking nakatayo sa harapan ko. I stared at him blankly and felt my throat went dry when I remembered the time he saved me.

"What do you want?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Imbis na sumagot ay tinuro niya ang damit ko, dahilan para magtaka ako.

Ano na namang meron sa damit ko? I am not wearing a blouse since I'm wearing a t-shirt for Pete's sake!

"Yung jacket, kukunin ko na," aniya at natigilan ako sa sinabi nito. Dahan-dahan akong tumingin sa damit ko at hindi ko napansing suot ko pa rin ang kanyang jacket.

Hindi ko pa pala naibabalik sa kanya 'tong jacket niya, goodness! Mabilis ko naman itong hinubad at padabog na inabot sa kanya ang jacket. That was embrassing!

"Thanks," sabi niya kaya umirap ako nang tumalikod ito.

"Bumalik ka na. Our new professor wants to meet the whole class," dagdag pa nito bago umalis kaya inis akong tumayo.

A new Professor? But ugh, Raven is still a jerk in my eyes!

* * *

Dismayado akong umalis ng room nang walang nakitang bagong mukha ng Professor. That asshole just tricked me and I simply fell for it! Sa sobrang inis ko ay halos makupi na ang hawak kong soda in can.

Crownless QueenWhere stories live. Discover now