Chapter 16: Queen of Ace

271 35 3
                                    

CHAPTER 16
Queen of Ace

"W-What?!" My eyes were about to pop out from its sockets when I heard that I will be the substitute for Trinity.

I get it-naiinis ako sa kanya, pero hindi ko naman hiniling na ako ang papalit sa kanya. One more thing, I don't even have any abilities for Pete's sake!

"You heard it right, Ms. Rocheril. Ikaw na ang Queen ng elite five," nakangiting sabi sa akin ni Ms. Violet, na para bang maliit na bagay lang ang kanyang sabi.

Pinagmasdan ko siyang maglakad palapit sa pintuan habang kami ay naiwang nakanganga dahil sa gulat.

"Teka lang! Sa tingin ko ay hindi qualified si Artemis dahil isa siyang Nadir," saad ni Nikolai habang magkasalubong ang kilay dahil sa pagkalito.

Ms. Violet's heels clicked when she stopped walking halfway.

"My judgements can never be wrong. She can do well," seryoso niyang sabi at sinarado ang pintuan na naglikha ng ingay sa napakatahimik na training room. Naiwan kaming mukhang tanga rito sa loob at napatili nalang bigla si Melody.

"Oh my god!" sigaw niya at napahawak sa kanyang bibig dahil sa gulat. Lahat sila ay napako ang mga tingin sa akin habang nakanganga.

"W-What?" naiilang kong sabi at tumayo para mag-inat.

Weird pa rin, sobrang weird.

Kung N.S na naman ulit 'yung gumawa ng gulo kanina, ano'ng kasalanan ni Trinity? Napatitig ako sa syringe na tinanggal nila sa tiyan niya. Transparent pero may bakas ito ng kulay sa loob.

Green?

"Kakayanin mo ba 'yun, Temi? Delikado at Queen pa naman ang pwesto mo. Magiging mainit ang mga mata ng kalaban sa'yo," nag-aalalang sabi ni Primo at napahilot sa kanyang sentido.

Ginagamot ni Elena ngayon ang sugat ni Trinity kaya napasandal nalang ako sa pader. Probably, the guards will investigate what happened here after our training. It's strange that they are not bothered.

Pero kakayanin ko ba?

"Ako na ang magdadala d'yan sa school clinic."

Sabay-sabay kaming napatingin sa isang tinig na nagmula sa aming likuran. Seryosong nakasandal si Raven sa pader habang nakakrus ang braso sa kanyang dibdib. Tumango si Elena at umatras para mabuhat ni Raven si Trinity.

Walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata, hanggang sa makalabas siya ng pintuan.

"May nagseselos-"

Walang patawad kong sinapak ang mukha ni Primo at sinamaan ito ng tingin.

* * *

"Hoy! Last day na ng training 'to!" seryosong sabi ni Primo nang mapaluhod ako sa kalagitnaan ng pagt-training. They just prepared wooden figures for me to smash with my fists and kicks, but I can still feel a strange electricity flowing rapidly within my hands.

I heaved a sigh and angrily looked at Primo with my brows furrowed.

"Ikaw kaya ang madulas, gago!" Napataas nalang siya ng dalawang kamay at umaktong sumusuko. Bullshit, ang dulas ng sahig!

Bigla akong nag-angat ng tingin nang ilahad ni Raven ang kanyang kamay sa aking harapan. Si Raven, wala man lang reaksyon ang mukha nito nang mahina kong tinabig ang kamay niya.

Nagpalit sila ni Primo ng posisyon kaya siya na ang King. I tried convincing Miss Violet several times, but she kept on insisting that I can handle my position.

I heard that Trinity's not yet awake after the incident that made me so guilty.

Great, just great!

"No, let me help you," sabi nito at pwersahang kinuha ang kamay ko saka ako inangat mula sa pagkakaluhod. Nakatitig lang siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang kaya't umiwas ako ng tingin.

Crownless QueenKde žijí příběhy. Začni objevovat