Chapter 55: The Act

11.5K 490 55
                                    

Changed my mind. Two updates in a day. xoxo
-GX

.....

Sinilip ko ang relo ko at nakitang malapit nang mag-alas kwatro.

Nauna na sina Cole dahil nag-aya sila sa hideout nila.  Gusto pa ngang magpaiwan ni Cole pero sinamaan ko ng tingin at nakuha naman niya.

Gusto kong malaman kung ano man ang sasabihin ni Zia at kung may naghihintay mang mga tao doon para saktan ako ay makakatikim sila ng bugbog ko. I don't believe a bunch of spoiled brats can win against me when it comes to a fight.

Naglakad na ako papunta sa Chem Lab. Hindi na masyadong matao sa eskwelahan dahil uwian na. The Chem Lab is in the far end of the building. Dalawang minuto makalipas ng alas kwatro ay nakarating na ako sa harap ng laboratoryo at pumasok na ako dahil hindi naman ito nakasara. Iginala ko ang paligid pero wala si Zia doon.

"Hey Zia?" sabi ko pero wala akong nakuhang sagot.

Napakunot naman ako ng noo ng mapansing lahat ng mga bunsen burner sa loob ay nakabukas at nakatapat sa mga Erlenmeyer flask at beaker na parang may nakalagay na kemikal na kumukulo na.

Kinutuban ako na kapag di ako lumabas ngayon din ay mapapahamak ako. Pinilit ko ang aking mga paa na kumaripas ng takbo palabas ng laboratoryo at saktong pagtapak ko sa labas ng pintuan ay isang pagsabog ang naganap mula sa lab at nagsibasagan ang lahat ng anu mang babasagin sa loob.

Napuno ng usok ang laboratoryo at maya maya pa'y tumunog na iyong alarm at gumana na ang sprinklers.

Wala akong nagawa kundi titigan ang loob ng laboratoryo na ngayo'y magulo na. I think someone just plotted to kill me, kung hindi man ay may tao talagang gusto akong ipahamak.

Di pa man ako nakakahuma nang bigla akong nakarinig ng mga yapak na tumatakbo papalapit.

"I tried to stop her pero ayaw niyang magpapigil. Oh my God! Hurry."

I turned around at bumungad sa akin ang dumating. Selena was there. Along with three other teaching staffs.

"Oh my God Eliza! Pano mo ito nagawa! I didn't expect it would come to this." halos hysterical niyang sabi kaya napakunot naman ang noo ko. What is she saying?

"Anong nangyari dito?" tanong sa akin nung isang staff.

I'm still picking pieces of my mind na nagloloading pa sa nangyayari. "I..I don't know, pagpunta ko di---"

"Liar! You did this. Napakasama mo talaga!" sambit ni Selena.

Naguguluhan ko naman siyang tinignan. "I did what?"

Selena stepped in again. Hinarap niya iyong mga teaching staff. "It's all my fault. I tried to stop her pero ayaw niya magpapigil." Nagulat ako ng magsimulang manubig iyong mata niya.

"Calm down Miss Brewster." pakalma naman nung katabi niyang guro pero mas lumala pa siya at umiiyak na.
"She...she even pushed me away. Sinabi kong sumosobra na siya p-pero..." hindi na niya naituloy at mas umiyak pa.

Natauhan naman ako. Napaisip ako sa mga kaganapan. Pinapunta ako ni Zia dito and moments after I came pumutok iyong buong chem lab at dumating sina Selena na ipinipilit na ako ang may kagagawan nito. I'm being fucking framed!

"Miss Cruz? Totoo ba to? Miss Cruz?" baling saakin nung isang guro.

"Of course not! Hindi ko magagawa iyon. Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Bakit di ka na umamin. You're now caught." Selena wailed in between tears while hiding behind her hands. When no one was looking at her, she sent a 1-second grin at me. Right now, I'm thinking of many ways to murder her pero pinupuri ko rin siya sa galing niyang pag-arte. I couldn't even force myself to pretend to cry , pero siya ay kaya nang magpainom nang lahat ng tao sa Africa sa dami ng luhang naiyak niya kahit hindi naman totoo.

Nerdy Delinquencyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن