Chapter 46: It's Mine

13.5K 577 69
                                    

Matapos kong mag-walk-out sa kanya ay dumiretso ako sa rooftop na tinulugan ko noon. Hindi parin humuhupa iyong kabog ng puso ko, dagdag pa ang ilang hakbang ng hagdan na inakyat ko papunta rito.

I stood beside the railings at tumingin sa kawalan.

I'm not dumb to not understand this feeling. It may be my first time feeling this pero alam ko.

Wala sa isip akong napahawak sa labi ko. We kissed before, I was even the one who kissed him first, come to think of it, nakakahiya pala.

"Why did you do that!?" Malakas kong bulalas at inuntog ang ulo sa railings. Parang lahat ng hiya na hindi ko naramdaman noon ay bumagsak ngayon.

Something's definitely changed. Noon, okay lang naman ako pero ngayon ay parang mababaliw na ako sa simpleng halik lang, it didn't even last for more than a second pero grabe yung epekto nito sa akin.

Napailing ako. Hell no! Ako? Magkakagusto sa lalaking walang manners na iyon? Hindi pwede.

"Asshole!"

My mind began to flash memories of him giving me a genuine smile, giving me jacket, iyong chopsticks at nung   pinagtanggol niya ako sa mga taong nanggugulo sa akin, not that I needed his help but the big deal is he was there. Kahit anong tanggi ko, my mind somehow keeps making reasons to like him.

Napasampal ako sa sarili ko. Hindi pwede! It will never happen. This is just a temporary thing. It will fade away eventually, kumbinsi ko sa sarili ko, tama! Mawawala rin ito.

Habang nakatulala parin ako ay may dumamping malamig sa pisngi ko.

Napaigtad naman ako ng makita si Cole habang hawak hawak ang isang soda sa kamay.

"A...nong ginagawa mo rito?" Biglang nag-init iyong pisngi ko. Gusto ko itong sampalin pero baka magmukha akong baliw sa harapan niya. Damn it, stop over thinking. "K-kanina ka pa?" Tatalon talaga ako mula rito sa rooftop kung nakita man niya ako kanina pa na nagsasalitang mag-isa, inuuntog ang sarili sa railings at sinasampal ang sarili.

"Sinundan kita kanina at nakitang pumasok dito. I just went back to buy this," paliwanag niya. "Here." Inabot niya sa akin ang soda.

Tinignan ko lang ito, hindi ko magawang tingnan siya sa mata. Napaigtad naman ako ng bigla niyang kinuha iyong kamay ko at inilagay ang soda doon. He was acting like earlier didn't happen. Ang kalma niya.

Agad ko namang binawi ang kamay ko. Ang bobo kong puso ay nagwawala na naman.

"I'm sorry, I acted out rashly." sabi niya na nakatingin rin sa kawalan.

"Kalimutan mo iyon." I suddenly said.

Agad naman siyang napatingin sa akin "Huh?"

Hinarap ko siya at ibinalik iyong binigay niyang soda sa kanya. I just looked at his shoulders instead of looking at his face dahil parang di ko yata kayang tignan siya sa mata.

"The...k..kiss. Kalimutan mo na iyon. At kung pwede layuan mo na ako. Since you apologized already tatanggapin ko iyon sa kondisyong wag ka nang lumapit sa akin. Kung wala kang ibang mapaglilibangan, pwes humanap ka ng iba at wag ako." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makasagot pa at umalis na.

I think this is better. Kung maiiwasan ko siya, eventually this feeling will die down. Tama.

Bumalik na ako sa silid namin at umupo sa upuan ko.

Lumipas ang ilang minuto ay malapit na ang unang subject para sa hapon. Hindi ko maiwasang mapalingon sa upuan ni Cole, bakante pa ito. Ano kayang nangyari dun?

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now