Chapter 50: End of the Bet

13K 551 78
                                    

Thanks for the long wait and magreremind ako muli in case di kayo bumasa ng disclaimer, mas matagal pa ako mag-update kesa sa pagmove-on kay crush na may mahal nang iba. Taenang 4 years. Move-on move-on din pag may time, self.
-GX

......

7:15 pm

Napatingin ako sa relo ko habang papalapit sa parke. Sakto lang ang dating ko, not too late and not too early either para di ako magmukhang sabik na sabik siyang makita. In his dreams.

Alas otso ang usapan namin dito mismo sa parke. Pinili ko iyon kasi madali lang akong makatakas mula sa bahay at para wala masyadong tao.

I just wore simple jeans and a dark blue hoodie. I was my usual self pero tinali ko iyong buhok ko.

Pagdating ko sa parke, the streetlights were on pero walang mga taong nakatambay o gumala-gala. Pero sa isang bench naman, tanaw ko ang isang lalaking naka-upo. It's probably Cole.

Nag-umpisa na akong maglakad habang inihahanda ang sasabihin. I inhaled a big lump of air.

About the bet, sasabihin kong nanalo ako. As a consequence ay lalayuan niya ako. Of course sasabihin ko rin na ako iyong nagpapanggap na Eliza but maybe he'll keep it a secret...or maybe not.

Napatigil ako sa paghakbang. Paano kung hindi to magtagumpay? I'm telling him my secret para layuan niya ako? Paano kung ipagsabi niya ito sa lahat? It's not like I really care about my father's career but ayokong mahulog sakanya ng tuluyan. Kung iiwasan niya ako, maybe this feeling will die down. This is a dumb idea but it's worth it.

Will it be worth it?

My feet unconsciously stepped back. Tama ba itong gagawin ko?

Nanatili ako sa kinatatayuan ko nang biglang lumingon iyong lalaking nakaupo sa bench.

Nagtagpo iyong mga mata namin. Si Cole nga iyon. I heaved a deep sigh. There's no turning back now, Helena.

I walked up to him at umupo sa tabi niya.

"How's life?" simula ko habang nakatingin lang sa kalangitan. Kitang kita na iyong mga bituin.

Naghintay ako ng sagot pero malapit nang mag-isang minuto ay hindi parin siya umimik. Though I can feel him staring at me.

"I know I'm beautiful but I didn't know it came to a point to make you speechless." I chuckled lightly pero pansin kong wala parin siyang reaksyon kaya nilingon ko siya.

He was still staring at me.

Itinaas ko iyong kamay ko at iwinagayway sa mukha niya pero agad niya itong hinuli.

A knot was starting to form on his forehead. 

"Are you just gonna hold my wrist and stare at me the whole night?" tanong ko kaya unti unting nawala iyong kunot ng noo niya tsaka binitiwan din iyong kamay ko.

"Anong gusto mong sabihin?" sabi niya at itinuon ang tingin sa kalangitan. It really is a peaceful night.

Napabuga naman ako ng hangin. This is it. No beating around the bush anymore.  Sasabihin ko na iyong tungkol sa pustahan noon.

"Kumusta sina Yohann?" sabi ko bago ko pa man mapigilan ang bibig ko. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. Bakit ba ayaw makisama ng bibig ko. I'm just prolonging the agony.

Napakunot naman siya ng noo.

"Pumunta ka lang ba dito para kumustahin sila?" naiinis niyang sabi. Is he jealous or I'm just overthinking this?

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon