Eliza's Special Chap#1: Hallways are Hell

11.2K 392 24
                                    

Uploading special chap so late.  I promised to make a special chapter months ago and ngayon ko lang nagawa. Sareh. This time it's Helena's twin. Enjoy and advance merry Christmas.
-GX
....

(Timeline: A week after Helena left America to go to IU)

Eliza's Point of View

Napalunok ako habang hinihila iyong palda ng unipormeng suot ko. Ang ikli kasi kesa sa nakasanayan ko. Tsaka ang sarap kusutin ng mata ako dahil di ako sanay nang naka-contact lense dahil malabo parin ang mata ko.

Napatingin ako sa salamin habang hinimas himas iyong buhok ko. Nakulayan ito ng black-silver ombre na style katulad nang kay Lizzy. Hindi ko maihiwalay iyong tingin ko sa salamin.  Hindi ako makapaniwalang akin ang mukhang ito na hindi man lang sumasailalim sa plastic surgery.

Napabuntong-hininga nalang ako, mapilit kasi si Nana eh, hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay. Hindi ko rin siya matanggihan.

"Good luck munchkin." paalam sa akin ni Nana na ihinatid ako sa harap ng eskwelahan.

"Do I really have to do this, Nana?" kagat-labi kong tanong habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"It's up to you baby, didn't you say you want to know how's your twin doing for all these years?"

Mahina akong  tumango. "Yeah."

Muli akong napakagat ako ng labi. Gusto ko ring maranasan ang buhay ni Lenny na saakin dapat kung hindi niya sinalo iyong kasalanang ako ang gumawa. Nasabi ko na kay Nana na gusto kong makita ng personal ang buhay ni Lenny dito pero habang nakatayo ako sa harap ng eskwelahan ay parang bumibigat ang paa ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko to. I'm not as tough as Lenny.

Noon pa man, gusto kong maging si Lenny pero hindi ko alam kung makakaya ko ba.

Napatingala ako sa paaralan.

'Welcome to Royalwoods International' basa ko sa harap ng gusali.

"Wish me luck." paalam ko kay Nana bago humakbang papasok. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko habang dahan-dahang naglakad. Napansin ko namang iniiwasan ako ng mga taong nadadaanan ko. Nasa hallway ako nang nililingon ako ng mga tao habang humahawi sa daanan ko. Gusto kong yumuko, nakakahiya!

Agad naging negatibo ang isip ko.  This was a bad idea. Si Nana kasi, dapat lang sana magtago ako doon sa kanya pero pinilit niya akong pumasok dito. Pwede lang naman niyang ikwento sa akin ang buhay ni Lenny dito.

Yumuko ako dahil sa dami nang tinging natatanggap ko. Mas humigpit pa ang pagkakapit ko sa strap ng bagpack ko. Paano pag pareho lang ang mga tao dito katulad sa Ironhead University? Paano pag bigla nalang nila akong saktan, pagtawanan at kawawain?

Biglang nangatog iyong tuhod ko sa takot at pagkabalisa. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nagsimula nang manubig iyong gilid ng mata ko.

I'm really a wimp.

Hindi ko maiwasang mapakagat ng labi na naman, mukhang napapadalas na dahil sa nerbiyos.

I closed my eyes at huminga ng malalim. Bahala na kung anong isipin nila.

I consoled myself. This is okay, kaya ko to. Stand proud just like Lenny. Muli akong huminga ako ng malalim at itinuwid ang pagkakatayo ko.

'Be like Lenny. Be like Lenny. Be like Lenny,' paulit-ulit kong banggit sa isip ko. Huhu, bakit ba ang hirap nito, nakakailang dahil bawat hakbang ko ay may mga nakatingin.

Ilang hakbang palang ay muli akong napabaluktot at napayuko. Nana! Tulong! Gusto ko nang umuwi. Ayoko na.

No! Kung kaya to ni Lenny dapat kaya ko rin.

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now