Chapter 42: Zia Justisya

12.8K 507 53
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway habang andaming laman ang isip ko.

Dumagdag pa iyong kanina, what's with that asshole, one second he says I'm cute the next he calls me ugly. Nakakasakit ng pride leche.

Bigla kong naalala iyong reaksyon niya matapos malamang nakipag-indirect kiss siya doon sa lalaki para siyang natatae na ewan. Di ko mapigilang mapatawa. Damn that was hilarious. Ang cute niya din doon, parang palaka. Bumungisngis ako. Nakaganti rin sa wakas.

"Baliw ka na yata Eli." Halos mapa-igtad ako nang may biglang umakbay sa akin.

"Hyron?" Napatingin ako sa kanya. Katabi naman niyang si Zia na tinitignan ang braso ni Hyron sa balikat ko.

"The one and only." Sagot niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Untag ko.

"Hallway ito Eli malamang nandito na kami saka break na namin. At ako ang dapat magtanong sayo niyan, nadaanan namin ang silid niyo kanina at hindi pa sila tapos magklase. Mukhang trip mo na ngayong mag-cutting ah, grabe ka talaga."

Napaikot naman ako ng tingin at naglakad papalayo sa kanila.

"Oy oy oy, wag kang masungit, ano kabuwanan mo naman ba?" Sabi niya habang sinusundan ako. Kailan ba tatahimik ang lalaking ito? Everytime he opens his mouth, tumataas ang blood pressure ko.

Tinulak ko iyong mukha niya palayo.

"Ialis mo nga iyang pagmumukha mo sa paningin ko at umiinit iyong ulo ko."

Mukhang baliktad yata ang utak ng lalaking ito at muling inilapit ang mukha sa akin. "Sa gwapo kong to?! Ang ka---hoy Eli saan ka pupunta ha?"

Nilingon ko siya.

"Sa CR, sama ka?" pagtataray ko sa kanya.

Napahinto siya at napakamot ng ulo. Good, may utak din pala.

Pumasok na ako ng CR.

Napabuga ako ng hangin. Finally, some peace and quiet.

Just when I though I had the peace and quiet and so desperately want, bumungad sa akin ang tatlong babaeng nagre-retouch sa harap ng salamin. Sila iyong tatlong babaeng nanggulo sa akin sa cafeteria kanina. What a coincidence.

This smells like trouble.

As if on cue ay sabay silang napalingon sa akin.

Unti-unting sumilay iyong ngisi nila sa labi na para bang may pinaplano silang hindi maganda.

"Oh...lucky you!" sambit nung isa.

Nagtawanan sila. "How nice of you to make it easy for us, ikaw na mismo ang lumapit."

Agad silang lumapit at hinarangan pa nung isa ang pinto. Ang dalawa ay pinagitnaan ako.

"How do you want to be beaten up huh?" The one on my right said.

"How about slap her until her cheeks turn red." Kumento nung nasa kaliwa ko.

"Let's strip her naked." Sabi nung nasa pinto.

"Let's put her head in the bowl." Kumento nanaman ng babae sa kanan ko.

Nagkatinginan sila. "Eeeeeewww! Let's do it!" Sabay nilang sabi at naghagikgikan pa.

"Come here nerd." Hinila nila ako sa direksyon papunta sa isang cubicle pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Ano papalag ka ha? Dapat lang ito sa iyo, you attention seeker "

"You don't have anyone to save you now."

"Yeah, you can cry all you want though baka maawa pa kami sa pangit mong mukha." Nagtawanan na naman sila.

Nerdy DelinquencyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu