Chapter 1: The Queen

38K 832 25
                                    

"Empty your wallet, nerd," sabi ko habang kwinekwelyuhan ang isang payatot na lalaking may makapal na salamin at braces atsaka itinulak sa harap ng locker niya.

Siya ang pangatlo kong biktima ngayong araw at malas niya dahil siya ang naabutan ko. Kita kong nanginginig na siya sa takot at dali daling dinukot sa bulsa niya ang kanyang wallet. Nahulog pa ito sa kamay niya kaya napaikot nalang ako ng mata.

"Hurry up loser!" Sinipa ko ang locker malapit sa kanya. Agad siyang nataranta at halos mapaiyak na. Napangisi naman ako, bakit ba ang sarap makitang natatakot ang tao sayo.

"That's all I have Queen, please don't hurt me," sabi nito habang nakapikit at lahad sa akin ng wallet niya.

Binitawan ko na siya at kinuha yung pera niya mula sa wallet.

Binilang ko ang laman ng pitaka niya. 3 dollars? Pwede na rin.

Ibinulsa ko iyong dalawang  dolyar at tinirhan ko nalang din ng isang dolyar. May natitira pa naman akong awa.

Sinauli ko na siya at tinapik tapik sa ulo. Inayos ko pa iyong kwelyo niya tsaka kurbata dahil good mood ako.

"Good, see you again tomorrow nerd. Next time I want to see more dollars on your wallet or you'll see this in your eye," sabi ko sabay taas ng kamao ko pagkatapos nginitian ko siya at tinulak ulit sa harap ng locker niya.

Aalis na sana ako ng may dalawang lalaking humarang sa dadaanan ko.

Napataas naman ang kilay ko. Judging from their ignorance, I'm guessing they're new here. Kakatransfer lang siguro. I bet naexpel din dahil siga rin iyong porma nila.

"So it's you who's been taking all our money," sabi nung isang lalaking mataas ang buhok na blonde. The other guy has bubblegum pink hair. Mukhang mahilig yata itong gumawa ng maling desisyon sa buhay, patunay dito ang buhok niya.

I cocked my head at them. "Me? Stealing? Since when?"

"His money was supposed to be ours," sabi nung naka pink hair at turo doon sa nerd kakakuha ko lang ng pera.

"You're new here aren't you?" I asked to confirm.

"So?" Maangas pa na saad nito.

"Well you don't probably know this but this school is my territory, sadly it's not big enough for three."

"Not anymore," Nakangisi nilang sabi at pinatunog pa ang mga kamao nila.

I cocked my head sideways. "Oh, are you challenging me?" I grinned at them.

Hindi na bago sa akin ang mga may kumalaban sa posisyon ko. I get busy everytime school starts dahil sa mga freshies na ito na palagi akong hinahamon, unfortunately for them I never lost once.

"Let us teach you a lesson, bitch."

"Fix your ties first," sabi ko dahil ang burara tingnan na hindi maayos iyong pagsuot ng uniporme nila.

"Right after we fix your fucking face."

Sa kalagitnaan ng pasilyo ng eskwelahan ay sinugod nila akong dalawa at nagsihawian naman ang mga tao. Nakatingin naman sila sa dalawang baguhan ng may awa. The students know me very well. These students won't get away with just bruises. A broken nose would be just nice.

These scumbags should know better than to mess with me.

Bago pa man nila ako matamaan ay agad akong umilag at itinaas ang tuhod para sikmuraan iyong naunang sumugod sa akin, iyong pink haired guy. Sumunod naman iyong lalaking mataas ang buhok kaya mabilis ko siyang sinuntok sa mukha.

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now