Chapter 10:King of Jerks

17.1K 686 40
                                    

Nakatunganga lang ako sa loob ng court habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong pabalik balik ang takbo papunta at pabalik sa magkabilang court.

It's P.E. time, iyon ang first subject namin ngayon at eto ako nakatayo lang. We're playing basketball for our physical education subject.

Napahikab nalang ako at nanatiling nakatayo. Gusto ko sanang sumalampak sa sahig kaso kanina pa ako sinasamaan ng tingin ng PE teacher namin. What's the point anyway, di naman nila ako papasahan ng bola, wala ring pumapansin sa akin.

Malapit ng maubos ang oras and it's 64-62, the other side is winning. Surprisingly, may alam rin pala ang iilan sa mga babaeng kaklase ko sa basketball.

10...9...8...
I was counting the remaining time on how much longer I'll stay inside the court nang di inaasahang napunta sa akin iyong bola. The opposing team slapped the ball from my teammate's hands at tumalbog iyong bola papunta sa kamay ko.

Napalingon silang lahat sa akin na parang mga leong handang handa nang sumugod.

"Pass it here nerd!" sigaw pa nung kakampi ko.

Tinignan ko lang sila. Ang kakapal ng mukha, ni hindi nga nila ako pinapasahan ng bola kanina, now that I got the ball, they tell me to pass it to them. The nerve.

I thought of passing the ball to the enemy para matalo sila pero narealize kong kakampi ko pala sila, which means I'll loose too.

Tsk.

I raised my arms with the ball and aimed at the net nang hindi man lang umaalis sa kinatatayuan ko.

The moment after I released the ball ay tumunog iyong buzzer and...three points.

I smiled in satisfaction. She shoot, she scores. Ringless, baby. That means we won.

Natahimik naman iyong buong paligid. Tunog lang ng pagtalbog ng bola iyong maririnig then it was noisy again.

"Tss. Tsamba!" kanya kanya nilang komento.

Everybody got off the court na hindi man lang ako pinansin. Sa huli ay magpatuloy iyong laro at lalaki na naman. The girls were squealing their bloody throats out.

Hindi na ako nanood dahil naiingayan ako. I excused myself to the clinic. Wala namang problema sa subject teacher namin dahil tapos na iyong laro. I stayed there for the whole duration of the time and took a nap.

I woke up just in time for the next subject at bumalik na sa classroom, right after changing into my uniform.
Tahimik akong pumunta sa upuan sa harap. Wala pa iyong next subject teacher namin kaya umub-ob muna ako sa desk ko nang may tumama sa likod ng aking ulo.

It was a crumpled paper, so I opened it.

'LOSER' nakalagay doon. Tsk. Kailan ba to titigil?

Agad akong lumingon sa kung sino ang nagbato nun pero hindi ko matukoy dahil lahat sila ay abala sa kanilang mga ginagawa.

Di ko na lang pinansin at umub-ob ulit sa desk ko ng may sunod sunod na tumama muling papel sa likod ko. Isa...dalawa...tatlo...apat.

"Ano ba!" agad akong lumingon sa likuran at nahuli ko ang limang babaeng hawak may hawak hawak na bolang papel at ibabato na sana muli saakin.

Nagulat sila sa pagkakahuli pero agad rin namang nawala. They don't even look guilty being caught red-handed.

"What? You did had any problems with us? Papalag ka ha?" sabi nung isa sa kanila.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ohh I'm so scare. What you gonna do huh?" sabi parin niya

"Maybe teach you the basics of English grammar. I'll surely win a Nobel Prize for that." sarkastiko kong sabi.

Nerdy DelinquencyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt