Chapter 14: The Amateur Bitch Queen

16.3K 681 56
                                    

Lunes na lunes ay ang ganda ganda ng gising ko. Pakiramdam ko ay sumasabay sa akin ang bawat huni ng ibon at ang hangin na nililipad ang buhok ko. Marahil ay dahil iyon sa pagkakasapak ko kay Nicholas.

Pumasok ako sa paaralan ay magpalundag lundag pa ako at pasipol sipol.

Mas gumanda iyong araw ko nung pumasok si Cole sa room na busangot ang mukha at may pasa sa pisngi kasama ang mga kabarkada niya. Napakagat nalang ako ng labi upang pigilan ang sariling mapangisi nung maligaw ang tingin niya sa akin.

Sa kabutihang palad, mukhang hindi naman niya ako namukhaan kaya patay malisya lamang akong lumingon sa kanya.

Di nagtagal ay pumasok na ang bagong first subject teacher naming dahil nagresign na iyong dating guro namin dahil doon sa sagutan nila ni Cole.

Pareho pareho parin naman ang pagtuturo nila, boring parin. The only thing that kept me going is Cole's face. Iyong mukha niyang may malaking pasa dahil sa pagkakasuntok ko. Pakiramdam ko panalo na ako ng isang daan dahil doon. Nabawasan ang angas at gwapo ng mukha niya.

Pagdating ng recess break ay lumabas na ako para bumili ng pagkain. Pero ang dati kong pakiramdam na nasa alapaap ay biglang nagdilim.

Pakiramdam ko may masamang mangyayari.

At tama nga ako...

"Oh my god. Narinig mo na iyong balita? Regine's back!" -Chismosa 1

Bigla akong napahinto at nakinig sa usapan ng mga babaeng nagtsitsismisan sa isang sulok

"Yeah rinig ko successful daw iyong photoshoot campaign nila sa Paris. I'm so inggit talaga. Sana ganon din ako kaganda niya." Chismosa 2

"Like duuuuh. Kaya lang naman siya nasali doon dahil sila ang may-ari ng magazine company. She's a spoiled brat na sunod lahat ng luho." Chismosa 3

"Tumahimik ka nga baka may makarinig sayo at lagot ka pagnakarating yan ay Regine. Hindi mo nanaising makarating yan kay Regine at baka malas ang abot mo." Chismosa 4

"You're right.  Change topic na nga tayo. Nakita niyo ba iyong damit kanina ni Sar-----"

Di na ako nakinig at nagpatuloy na sa paglakad.

Naiintriga ako, so the so-called Queenbee of Ironhead University is back. I don't know what to expect.

Nagpatuloy ako sa paglakad ng----

"OH MY GOOOD!" tili ng isang babae ng makabangaan ko siya.

Nakarinig naman ako ng mahinang singhap mula sa taong nasa paligid.

Nahulog kasi iyong bag niya dahil sa impact. Hindi ko naman kasalanan dahil siya iyong hindi tumitingin.

"Look what you just did!" matinis niyang sigaw na parang siya ang may-ari ng eskwelahan.

She had a wavy honey blonde hair na hanggang bewang. She was stunning, iyon ang masasabi ko, pero hindi iyong may class na tipo but the slutty type.

Iyong uniform na blouse niya ay tinali niya hanggang bewang niya tila ipinagmamayabang ang tiyan niyang walang kabilbil bilbil. She was wearing the skirt shorter. Ngayon alam ko na kung sino ang nagpauso nito sa iba pang mga kababaihan dito sa paaralan.

Nakasuot din siya ng 4-inch heels na mas nagpatangkad sa katawan niya.

Napatigil ako sa pag-iisip tungkol sa nakikita ko sa kanya ng itinulak niya ako. With her small thin arms, hindi ko inaakalang malakas pala siya tumalak dahilan para mapasalpak ako sa sahig.

"Did you know how expensive that was? It was a limited edition hermes bag! Hinding hindi mo iyon mababayaran kahit sa pangkasampung buhay mo pa kita singilin!" turo niya sa nahulog niyang bag.

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now