Chapter 15: The Queen Gatecrashes

16.2K 727 99
                                    


Mula sa labas ay napatingin ako sa mansiyon kung saan pinagdadausan ng kasiyahan.

Loud music was blasting through the mansion. Pakalat kalat ang mga tao. Halos lahat yata ng mga tao ang nadito, well obviously except for the nerds and geeks na hindi invited. They look like they're all having a good time.

I got to hand it to her, she sure knows how to handle a good party but sadly
I'll have to ruin it for her.

Napatingin ako sa sariling repleksiyon mula sa bintana ng isang sasakyan at nginisihan ang sarili.

Eliza and I may have identical faces pero magkaibang magkaiba kami. Di mo malalamang magkakambal kami. Siguro kung itatabi mo lang kami sa isa't isa at tititigang mabuti ay doon mo lang malalaman.

The girl staring back at me now screams everything about Queen Helena at walang bahid na Queen Eliza Cruz na makikita.

This woman is badder, fiercer and bolder.

Hinubad ko ang cardigan ko and barged in the party like a pro.

Lahat ng nadadaanan ko ay napapatigil at napapatingin.

Marahil ay nagtataka kung sino ako dahil ngayon lang nila ako nakita or pwede ring nagandahan lang sila saakin.

Malamang iyong pangalawa. Duh.

Walang nagtangkang humarang sa akin para tanungin kung sino ako. I guess star-strucked parin sila sa ganda ko.

Tch.

May bar counter sa loob ng mansion at mukhang lahat ng klase ng alak nandito. Mojito, bloody maria, whiskey, margarita, martini you name it. I'm pretty sure wala pa sa legal na edad ang mga nandito. Should I call the police? Naaah, it may ruin all the fun.

Lumapit ako doon at nag-order ng inumin sa bartender.

Hmmm...not bad. Kahit iyon bartender nila ay cute. Di na ako nagtaka kung bakit ang daming babaeng tumatambay sa bar counter.

"What can I get for a lovely lady like you?" sabi niya sabay ngiti at lumabas iyong malalim niyang dimples.

Nginitian ko naman siya.

"Surprise me, love."

Mahina naman siyang napatawa at nagmix na ng inumin ko.

"So kaano ano mo si Regine? Parang ngayon lang kita nakita ah."

"It's a secret. I'd like to be mysterious." kinindatan ko siya.

Muli nanaman siyang napatawa. Masayahin talaga ang taong to.

"Here's your straw berry mojito then Miss...?"

"Hmm...Call me Queen."

"Queen huh?" napatawa nanaman siya. Bakit ba sobrang masayahin ng taong ito.

"Bakit?"

"Nothing, it's just that siguradong magagalit siya pagnarinig niya ang pangalan mo."

Napataas naman ako ng kilay.

"Sino naman."

"Pi---"

"Whiskey, one glass." madiing utos ng nasa kaliwa ko kaya nabaling ang atensiyon namin sa kanya.

Nagulat naman ako ng makita muli ang suplado niyang mukha.

Napatitig ako sa pasa niya sa pisngi. Bakit parang habang lalo ko siyang tinititigan lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

Napa-iling ako sa isip ko. Kinumbunsi kong hindi siya ang type ko.

Hindi ko type ang porma niyang messy hair at bad boy na look. Hindi rin ako nagagandahan sa perpekto niyang kilay, sa mata niyang parang kulay kape na walang cream sa itim. Iyong ilong niyang matangos at kahit man sa labi niyang manipis at mapula pula. Hindi talaga.

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now