Chapter 53: Love Sick

12.8K 559 121
                                    

Mariin kong tinitigan ang mukha ni Cole habang natutulog. Kung di naman kasi tanga, ang taas ng lagnat pero pumasok parin siya. Kaya pala naka-ubob lang siya kanina sa klase.

Mabuti nalang at malapit lapit lang ang school clinic. He was still half-awake when I aided him to the clinic. Nakabihis na siya ng tuyong damit. The male nurse changed him para hindi lumala iyong lagnat niya at nakainom na rin siya ng gamot.

Hinawakan ko iyong noo niya at medyo bumaba na iyong lagnat niya pero mainit parin. Iaalis ko na sana ang kamay ko nang bigla niya itong hinawakan. Muntik na akong mapatalon sa gulat. Hindi pala ito tulog. Kung ganoon ay alam niyang kanina ko pa siya tinititigan.

"Stupid nerd." Minulat niya iyong mata niya at tinignan ako. Wala akong ibang nagawa kundi tumitig pabalik.

Napalunok nalang ako. Nakakapangina iyong tingin niya.

"I tried giving you space. It turns out I can't." he said in a hoarse voice.

Hindi ko alam kung anong sasabihin kay nanatiling tikom ang bibig ko. "Sa umpisa pa lang, I thought you were just a nuisance. Then you got me interested in you. You frustrate me and I can't believe I've fallen in love with you." His voice was still hoarse at may lagnat parin. Baka nagdedelirium lang siya at kung ano ano lang ang sinasabi.

"Cole, bitawan mo ako."

"No. I won't let you go. Iyon ang hindi ko magagawa at gagawin." seryoso niyang sabi.

Pilit kong kinalma ang sarili ko. "Sinabi ko na noon, King, maling tao ang sinasabihan mo nito."

Tinitigan niya ako and I equally returned his gaze with much ferocity. Pilit kong tinatagan ang puso ko. Hindi ako titiklop lalo na ngayon.

Humigpit iyong pagkakahawak niya sa kamay ko. I tried pulling it back pero hindi niya binitawan at sa halip ay hinila pa ako papalapit sa kanya.
Nilakasan niya ng paghila kaya napasubsob ako sa dibdib niya. My face collided with his chest.

"Bitiwan mo ako King." pagpupumiglas ko nang agad niyang pinulupot ang isang kamay sa bewang ko habang hawak hawak parin ang isang kamay ko sa kabila.

I remained on top of his chest. My cheeks are starting to paint itself red. Taena.

"Stupid nerd." kumento pa niya.

"There's a limit in how much you can insult me."

"Just shut up and listen."

"Sa alin?" naguguluhan kong tanong pero nanatili siyang tahimik.

Nasa ibabaw parin ng dibdib niya iyong ulo ko kaya nagpasya akong makinig. Tahimik ang buong paligid.

'LUB.DUB.LUB.DUB.LUB.DUB.' Napapikit naman ako ng marinig iyong pintig ng puso niya. It's beating fast.

"You heard that?" Nagulat ako nang magsalita siya pero tumango nalang ako bilang tugon.

"Hindi maling tao ang sinasabihan ko. I'm sure as hell my feelings for you is real."

Napa-angat ako ng tingin sa mga mata niya pero hindi ako nagsalita, parang may pumipigil sa akin. Binitiwan niya na ako kaya, umayos na ako ng upo.

"You know how I know it was you? This beats the same damn fast whenever you're near."

Napalunok ako. He looks sincere. "Just fucking give me a chance, please."

I stared into his eyes, nakipagtitigan ako sa kanya and I lost it. Lumisan na ang natitira kong diwa para tanggihan siya. Napabuntong hininga ako. I give up.

I'm sorry Lizzy. I'm really selfish and magpapakasarili rin ako ngayon. Alam kong pagsisisihan ko ito sa huli pero screw it, pagbabayaran ko nalang iyon pagdating ng panahon.

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now