Chapter 29: A younger brother

14.6K 589 87
                                    

Uuwi na sana ako pero mukhang delikadong maiwan ang mga mokong na ito. Isa pa ay pinilit akong pinasama ni Terrence kaya sumama nalang ako.

"Bobo, akala mo libre to? Putcha ikaw papakunin ko ng uban ni Amang. Yung kapatid mo yung pahuhugasin ko ng plato namin tsaka palalabahin. Wag nalang baka pagdiskitahan pa yung panty ng kapatid ko gago. Putcha, akala mo magaan ka? Pagahasa kita sa bakla eh, kung di ka lang mahal ni Lord. Hayop. Taena, ano bang kinain mo gago ang bigat putcha mo. Manghihiram kayo ng bigas papabayaran ko ng piso kada butil, ulol...Akala mo ligtas yung kapatid mong galawang hokage, dadaan muna yun sa butas ng pwet ng kalabaw gago siya."

Pailing iling nalang ako habang sumunod sa kanya. Pano ba naman, halos kada hakbang niya ay mura lang ito ng mura. Yung kinakausap niya naman ay walang malay.

Pumasok kami isang masikip na eskinita. Ilang pang metrong lakad ay pumasok kami sa isang maliit na bahay. Ibinagsak naman niya si Yohann sa higaan sa tabi.

"Miss Byutipul, upo ka. Pill at house."

Nginitian ko naman siya at umupo na rin.

"Salamat."

"Sige, miss byutipul, uwi muna ako sa amin. Magpapalit lang ako ng damit. Tang'na yung paborito kong damit pinunit ng mga gago."

Nakalabas na siya ng muli siyang bumalik papasok.

"Oo mga pala, tatawagin ko lang iyong maliit na gago. Teka lang."

Inilabas niya iyong ulo sa bintana at sumigaw.

"Hoy. Don Gago! Umuwi ka, pagnaabutan kitang lumalandi sa kapatid ko tutuliin kita ng isang daang beses!"

Maya maya pa ay may lumipad na tsinelas at saktong tumama sa mukha ni Terrence kaya nagpakawala na naman ito ng malutong na mura.

Sumunod namang pumasok ang isang batang lalaki na mukhang nasa mga labindalawang taon yata ang edad.

Payat ito pero ang nakakaagaw pansin sa kanya yung matalim na bughaw niyang mata. Halatang mixed breed.

"Tangina, babayagan talaga kitang bata ka."

"Utot mo."

Napakamot naman ng ulo si Terrence.

"Oh bisita niyo. Pagsilbihan mo ng maayos." Tinuro ako ni Terrence kay napalingon sa akin yung bata.

"Miss Byutipul, si Don Gag--este Donatello pala kapatid ni Yohann."

Tinutukan ako nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ganon din ako sa kanya.

Bukod sa tangos ng ilong at hugis ng mukha, hindi magkamukha ang isang to tsaka si Yohann. Itim ang kulay ng mata ni Yohann habang si Don naman ay asul.

"Syota mo si Yohann?" diretsong tanong nito.

Mabilis naman siyang binatukan ni Terrence.

"Putcha, diba sabing tawagin mong kuya, gago. Tsaka di niya syota yan. Saakin, di mo ba tatanungin kung syota ko si Miss Byutipul?"

Ni di niya man lang ito nilingon.

"Walang matinong babaeng papatol sayo."

Napangisi naman ako. I'm liking this little guy already.

"Anong sabi mo ha?" Mabilis na nilapitan ni Terrence si Don at sinakal ang leeg sa bisig tsaka ginulo ang buhok nito. Nagwrestling na nga ang dalawa.

Nerdy DelinquencyWhere stories live. Discover now