LEX

70 10 0
                                    

LEX

I smiled at the 19th letter.

Itinupi ko agad ang sulat at inilagay sa sobre at saka ibinalik sa paper bag. Isinantabi ko agad ito at tumungo sa desk ko.

Then naalala ko yung notebook na nalaglag ng babae kanina.

Kinuha ko agad iyon at tinitigan. Luma na ang notebook na ito. Babalikan siguro ito noong babae kapag nalaman niyang nawawala na.

But I think, may mga personal info naman dito para maibalik ko sa kaniya agad kung importante nga ito.

Binuklat ko agad ang notebook sa unang pahina.

Name: Gabrielle Francisco
Age: ̶1̶̶3̶ ̶̶̶̶1̶̶̶̶̶̶̶̶8̶̶̶̶  29
B-Day: 08/06/1987
Zodiac sign: Leo
Address: 124 Basilio St. Brgy. Crisostomo, T.R.
Number: 0̶̶9̶̶8̶̶7̶̶3̶̶7̶̶2̶̶6̶̶7̶̶4̶̶3̶̶8̶̶8̶ 092738483272

Property of GAEF
©

You have no right to read this. You have the right to remain silent though when you read it with or without my permission.

Ilang beses kong tinignan ang personal info at ilang beses din akong kumurap-kurap at nagpunas ng mata. Tama ba ang nababasa ko?

Gabe? Gabrielle? Francisco?

May nakita akong initials na GAEF at iyon ang nagpakompirma sa akin na totoo nga yata sigurong siya iyon.

GAEF: Gabrielle Anne Ebarramendia Francisco.

I wouldn't forget her name.

Binuklat ko isa-isa ang mga papel habang pasulyap-sulyap sa mga nakasulat.

Isang journal.

Nagbuklat pa ako ng kakapalan hanggang sa gitna ng mapansin ko ang pangalan ko na nakasulat.

Tinignan ko agad kung anong araw iyon naisulat.

July 16, 2003.


13 years ago.

I was 16 years old back then.
Tinitigan ko ang date bago bumaba ang mga paningin ko sa bawat letra ng pangalan ko...

P.S. I'm DyingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ