P.S. I Almost Died When I Heard That You Have A Crush With Aphrodite

841 29 0
                                    

August 6, 2001

Akala ko may magandang mangyayari sa araw ko matapos ang periodical test. Lipatan na naman pala ng bangko para sa second grading at naaasar ako sa nangyari kanina!!

Alam ko sa puso na di naman ako yung sobrang ganda na halos lahat ng lalaki sa akin nakatingin at may gusto. Pero hindi dahil doon kaya ako naaasar!

Kasi kanina sa Math Class nagbago na ng sitting arrangement. Ako, nakatabi ko yung gwapong kaklase namin na si Goeff, na balitang may gusto kay Mariz at nanliligaw yata. Naaasar din ako na siya yung katabi ko kahit na cute siya at maraming kaklase ko ang naiinggit sa akin.

Pero ang talagang kinaasar ko ay noong itabi si Lex kay Sheryl, ang pinaka maganda sa classroom namin; fashionista, maganda, matalino, lahat nasa kaniya na.

Kaklase rin siya ni Lex noong elementary! Mas matagal ang napagsamahan nila kaya wala akong laban doon. Tapos doon din kumalat ang balita na may crush daw si Lex kay Sheryl noon pa at torpe talaga kaya ayaw umamin!

Naaasar ako kasi nalaman ko pa yun dahil sa sitting arrangement na iyan! Nabubwisit ako sa sarili ko at sa kanilang dalawa!

Bakit kasi siya pa ang gusto ni Lex? Bakit yung maganda pa na di ko kayang talunin?

Naasar ako kapag naaalala ko yung tilian ng mga kaklase natin nang banggit ng magkasunod ang pangalan nila! Nakakainis!

Naasar ako kung paano ako napaiwas ng tingin sa kaniya nang itanong ko kay Stephanie (classmate and friend ko) kung anong meron at sinabi niyang, ayun nga crush daw ni Lex si Sheryl!

Naasar ako kung paano ako naupo at kinausap na lang yung bago kong katabing gwapo na di kumikibo!

Walang Love at pagod na,

-Gabe.

P.S. I'm dying... really dying, literal na dying kasi my heart is breaking.

P.S. I'm DyingWhere stories live. Discover now