GABE

904 22 0
                                    


GABE

"What about a drink or two, Miss New Editor?"

Xaviel grinned at me and sat on the still empty cubicle on my right side.

Nag-aayos na kasi ao ng gamit ngayon. Lilipat na ako sa office ni Jing.

"Actually, there's no need for that Xaviel, were going to grab some bite somewhere. No need for wild parties." sabat naman ni Kriztie na nakaupo pa rin sa left side ko.

"So you prefer some fastfood chains. So, lame. Come on, the bill's on me." pag-iinsist ni Xaviel sa amin.

"Iyon naman pala eh! Gora!" biglang sabat ni Jessa na nasa harap na cubicle namin. Talagang dumungaw pa siya at nanglumbaba sa taas ng desktop ko.

"See, even Jessa agrees." pangungulit pa rin ni Xaviel.

"Count me in!" panghabol na sambit ni Anjeneth, isa pa sa co-writers namin na kapapasok lang dito sa HQ, may bitbit pa talaga siyang kape.

"Okaaay! Count them all, the bill's on me!" malakas na cheer ni Xaviel at may pa suntok sa langit pang nalalaman.

"Anong nangyari do'n at tila naging angelita yata?" nakakunot noong tanong ni Kriztie nang makaalis na si Xaviel.

Nagkibit-balikat naang ako.

"Masyado kang pessimistic, Kriz. Maybe, Xav just really wants to congratulate Gabe." ngiti naman ni Anjeneth bago lumagok ng kape niya.

"No way," sabay na sagot nila Kriz at Jessa na nagpatawa sa akin.

"Don't worry about me, guys." natatawa ko pa ring sambit ko, bago ko binitbit ang box ko.

"Want me to help you, Miss New Chief Ed?" pang-aasar na tanong ni Jessa.

Palokong inismiran ko lang siya bago na ko nagsimulang maglakad patungo sa office ko.

"Pero seriously, gusto mo ng tea or coffee?" pag-aalok ni Kriztie.
I smiled and nodded, then I mouthed "I owe you one," before leaving the Headquarters.

***

Pasulyap-sulyap ako sa relo ko habang pilit na inuubos ang unang baso ng lady's drink ko sa booth namin, habang ang mga girls ay nagpapakasaya. Medyo may malakas na ang tama na din si Kriztie, at Xaviel. Habang nasa dancefloor naman sila Jessa, Anjeneth at ang tatlo pa naming co-worker.

Jing suddenly tapped my shoulders and leaned on, "Make sure they go home safe. I've got to go, Ed." nakangiting sambit niya sa akin bago ako tinap pa ulit sa shoulders ay a way of saying, "Una na ko,"

Ngumiti na lang ako at saka pinanood siyang makalabas ng entrance.

Patuloy lang sila sa pag-inom nang biglang bumalik na si Anjeneth. Hinihingal siyang naupo sa tabi ko.

Napalukot agad ang mukha niya nang makita niyang pinaglalaruan lang ang baso ng lady's drink ko.

"Hindi mo pa rin ubos yan? Tignan mo itong mga ito oh, lasing na lasing na. Ikaw wala pang tama." sambit niya.

Kinunotan ko siya ng noo bago ako naglean in sa kaniya para amuyin siya.

"Woah, woah! Ed, hold it right there!" sigaw niya sabay x-shield sa katawan niya.

Natawa naman ako bigla, "Gaga! Tinitignan ko lang kung amoy alak ka!" sagot ko, "Makasabi ka ng walang tama, ikaw nga itong hindi uminom ni isa."

Napangiti naman siya sabay iling, "I'm not into alcohols,"

"So am I," natatawang sambit ko bago ako tumingin sa ibang direksyon.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko si Onyx sa di kalayuan. May kasama siyang ibang mga naka-tux din kaya bigla akong napaiwas ng tingin.

P.S. I'm DyingWhere stories live. Discover now