GABE

84 11 0
                                    

GABE

Please, pick up your phone Jing.

Mahina at paulit-ulit kong bulong sa isip ko. Hindi pa rin niya sinasagot ang 3rd ring at nawawala na ang patience ko.

Kinuha ko na ang nag-iisa na lang na piece ng eggpie sa kahon nito at saka ang kutsarita habang naghihintay kay Editor Jing.

Busy siguro? I think so.

"Hello?" finally, sinagot niya rin!

"Ed?" mahinang bati ko sabay pasak ng kutsarita sa bibig ko.

"Yes, Gabe?"

"Ah, about the interview sa Roaring Crab's. Chief, I don't want to make the article..."

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Marami pa naman po diyan, si Kriztie, itry niyo siya. Si Xaviel... Ed."

"Ms. Francisco...?"

"Please, Jing. I really can't do this. Please? Para naman sa ikagaganda ng article yung gagawin natin diba? please, i-assign mo na lang ako sa iba, please..."

"This is a job, Gabe. Not a game. To make an article is your job. You can't just refuse evertime you don't like the topic. You are a journalist, maliban na lang kung di mo alam ang ibig sabihin no'n."

"Please, Jing. I really can't do this. Not this time... please." pagmamakaawa ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim.

"Gabe, magpasalamat ka I'm not like any other people. Okay, ngayon lang ha, or else tatanggalin kita dito sa tanggapan. I-cover mo ang Talk-Activities Page."

"Thanks talaga, Ed! Salamat! Gagawin ko iyon, I promise you gagalingan ko!" nakangiting pasasalamat ko bago ko ibinaba ang call at inubos ang eggpie sa harap ko.

Thank God! Hindi ko talaga kayang gawin ang trabahong iyon.

Nahiga na agad ako sa kama ko sabay kinuha ang journal ko sa nightstand ko at saka nagbukas ulit ng random page.

P.S. I'm DyingWhere stories live. Discover now