P.S. I Almost Died When You Indirectly Said, "You Belong With Me," To Me

633 22 0
                                    

March 4, 2005

Vacant Time ang Science at Computer Class na last two subjects namin. General Cleaning kasi ang gagawin namin sa Classroom namin na Science Lab.

Yes.

Ang IV-Diamond (pilot) sa Science Lab nagka-classroom kasi Science Teacher ang 4th Year Advicer nila.

Inilabas namin lahat ng lab tools sa cabinets at inilagay sa lab tables.

Humila ako ng stool para maupo at saka nilaro-laro ang magnifying glass sa isang tabi.

May naramdaman akong parang bumabasa sa akin at pag-angat ko ng tingin, si Lex may hawak ng pang-spray galing sa lab tools.

Binelatan ko siya at di na dapat papansinin pero pinisikan ulit niya ako kaya naghanap din ako ng pang-spray. Meron din akong nakita pero walang laman kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa lang siya at pinisikan ulit ang mukha ko, sa inis ko sumigaw ako at hinabol siya.

Nagtatakbo siya palabas ng classroom kaya nagdalawang isip ako kung tatakbo ako palabas.

Hindi ako tumakbo kahit moment yun kasi baka may makahalata at sabihing crush ko siya.

Tinawag ako ni Jonalou (friend and classmate ko na fan ni Taylor Swift) tapos sabi niya, kanta daw kami ng kanta ni Taylor. Tumango ako kasi favorite ko rin si Taylor.

Naupo kami sa mismong lab table hindi sa stool habang naglilinis ang iba.

Nag-earphones ako at pati siya. Sira ang isang earpiece ko at parehong buo ang kaniya. Tapos bumaba siya, sa stool na lang daw siya uupo kaya ako na lang ang nasa table nakaupo.

Sabay naming pinlay ang You Belong With Me ni Taylor Swift at sabay kumanta suot ang sari-sariling earphones namin.

Hindi ko namalayang bumalik na pala si Lex dahil siguro nakita niyang di ko siya hinahabol, tapos binalik niya na yung pang-spray.

Malakas ang boses ko noong kumakanta ako, at ramdam kong ang ganda ng boses ko doon sa kantang iyon. Tumayo si Lex sa harap naming dalawa at pinanood kaming kumanta. L

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumigil ako sa pagkanta.

"Bakit? Diba sabi mo, kumanta ng malakas, huwag hinaan?" sambit ko.

Nagpatuloy ulit ako sa pagkanta. Sumandal yung isang kamay niya sa edge ng table sa tabi ko at saka kami pinanood.

Habang kumakanta kami, kinuha niya ang isang earpiece ng kay Jonalou kasi alam niyang sira ang isa ng sa akin at saka niya sinuot.

"If you could see that I'm the one who understands you, been here all along so why can't you see? You belong with me, you belong with me~"

Sumasabay na rin siya sa pagkanta hanggang sa magsecond chorus na tapos binitawan niya ang earphones at saka lumapit sa akin. Nasa likod ko kasi ang bag niya.

Nakakapit ang isang kamay niya sa edge ng table sa right side ko para sa balance at ang isang kamay niya umaabot sa bag niya.

Napatigil ako sa pagkanta kasi sobrang lapit ko. Napatingin din si Jonalou sa amin kasi alam niya.

Minatahan ko siya at nagpatuloy kami sa pagkanta, na kunwari wala lang sa akin though ang sakit na ng dibdib ko dahil di ako makahinga ng maayos sa reaksyon ng katawan ko sa pagdikit sa kaniya.

Sa reaksyon ng tuhod ko sa pagdikit sa left arm niya kaya napakapit ang isa left hand ko sa left shoulder niya, para kasi akong malalaglag dahil sa nararamdaman ko.

Para sa mga classmates namin na walang alam, wala lang yun. Pero para sa akin at kay Jonalou, iba iyon. Ibang-iba iyon.

Noong makuha na niya ang hinahanap niya sa bag niya napabitaw na ako at bumalik na rin siya sa pwesto niya kanina. Kinuha niya ulit ang isang earpiece ni Jonalou at nakinig. Doon lang bumalik sa akin ang tugtog at di ko alam kung pang-ilang chorus na iyon.

"You belong with me-eee," sabay naming kanta ni Taylor (na nasa earphone ko.)

Ramdam kong nakatingin si Lex kaya napalingon agad ako sa kaniya.

"You belong with me." kanta niya habang nakatitig sa akin at saka hinubad ang earpiece at umalis.

I don't know if he just sang it or sinabi niya iyon sa akin.

But that is another sweet moment. Kinikilig ako!

All the love,
Gabe

P.S. I'm dying to say he belongs with me too.

P.S. I'm DyingWhere stories live. Discover now