P.S. I Almost Died When She Asked Me To Fetch Her From Home

688 22 0
                                    

October 14, 2004

Gabe,

Hindi ko alam ang sasabihin. Natutuwa ako kasi sinundo kita sa inyo, Nagpapasalamat ako na dalawang street lang ang layo ko sa bahay ninyo.

Pinilit ka ni Ma'am Dela Paz na sumali sa Essay Making Contest noong isang araw diba? And you refused to. I questioned myself why.
Sawa ka na bang magsulat?

I feel like I can't draw without you writing, because I know that two were bound to each other, and so are we.

But you are refusing now, should I too?
Kaso hindi pa rin tumigil si Ma'am Dela Paz sa'yo.

She needed you as much as I do.

Nakaupo ka noon sa sirang lababo sa classroom natin, I saw you. Nagsusulat ka yata ng para sa tula tungkol sa cyber-bullying, yung project na isa-submit sa Computer Class?

Wala masyadong tao sa classroom noon e kaya tahimik, karamihan kasi nasa labas, nagshu-shoot ng tungkol sa bullying, kaya kinausap kita.

"Gabe, kasama ka daw sabi ni Ma'am Dela Paz. Nirecommend ka ni Ma'am Cortez eh," sabi ko sa'yo, diba?

Narinig ko lang talaga iyon na sinabi ni Kriztie kay Rowell sa labas, pero sinabi ko pa rin sayo. Wala kaai akong mai-open na topic nong nakita kitang mag-isa.

Nagulat ka nang makita mo kong papalapit tapos biglang sinara mo agad yung notebook mo. Naalala kong ayaw mo nga palang nakikita kang nagsusulat o binabasa ang gawa mo kapag ginagawa mo pa lang, diba?
"Hala?" gulat mong sagot.

Bakit ba ayaw mo talaga?

Ngumiti lang ako tapos tumango.

Then tinawag ako ni Baby Gale, sabi niya shooting na daw namin kaya lumabas na ako agad pero pinigilan mo ko, sabi mo, "Wait, Lex! Sunduin mo ko ha? Sabay tayo."

And that were the perfect words I loved the most that you said to me since nagkakilala tayo.

I'll do anything for you to say that again...
P

.S. I'm dying to write all good things that will happen to us in every letters. I can't wait.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon