P.S. I Almost Died When I Saw Her Danced With Other Guys And Not Me

889 28 2
                                    

March 19, 2005

Gabe,

Naaasar akong di kita sinayaw sa Prom kagabi.

Naaasar akong naupo lang ako doon. Oo, siguro nga may nasayaw akong tatlong kaklase natin na sila lang rin namang yumaya sa akin kasi nga nagagalit yung mga teacher dahil ayaw naming sumayaw.

Naaasar ako kasi hindi ako nagkachance na isayaw ka though ang haba ng oras nating magsayaw.

Naaasar ako kasi halos saksakin na ang puso ko nang paulit-ulit kapag may nakahawak sa kamay mo at gina-guide ka papunta sa dance floor para sa sweet music na yon.

Pinapanood lang kitang humawak sa shoulders nila at tumawa, at bumulong at makipag-usap sa kanila at ayaw ko ng feeling na iyon na para akong pinapatay ng paulit-ulit.

Nagpapasalamat nga akong wala si Onyx sa prom kasi kung nagkataong nandoon siya, malamang siguro, wala na talaga akong pag-asa kasi baka maging kayo na. Pero wala pa rin pala akong makukuhang chance.

At naaasar akong isiping ang ganda mo kagabi pero hindi ko man lang nasabi sayo iyon kahit na pa-friendly'ng sabi lang katulad ng ginawa ng iba.

Hindi ko talaga kaya eh.

Gusto kita pero alam kong iba ang gusto mo and that's why it is worse.

—Lex

P.S. I'm DyingWhere stories live. Discover now