LEX

66 9 0
                                    

LEX

"Ang sakit kasi e, iniwan niya ako..." sambit ko matapos magpasyang sabihin na dahil alam kong nasaktan ko siya bilang kaibigan.

Tumigil siya, oo, sandali lang pero nagmadali rin siyang umalis nang walang lingon.

Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin, agad napukaw ng atensyon ko ang nakabukas na journal sa harap ko.

Nakadikit sa page na iyon ang kapirasong papel ng sketch ko kay Gabe noong nagswimming kami dati.

Isang babaeng nakaupo sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nakasayad sa tubig. Nakasuot siya ng black tshirt na may tatak na Batman at black cycling.

Kahit kailan ay di ko makakalimutan ang sketch na iyon...

Sa babang parte ng papel nakasulat ang pangalan at pirma ko. Nasa loob iyon ng malaking pusong ginuhit gamit ang kulay pulang gel pen.

Nakalagay sa taas, sa kulay red na ink ng pen ay:

The night Lex stole my heart.

Napangiti ako. Itinago niya pala ito. Hindi lukot... pero ano ang nakita ko noon na itinapon niyang papel sa basurahan? Kung hindi ito, ano iyon?

Bumaba ang tingin ko sa mga sulat sa ibabang parte ng journal, sa baba ng nakadikit na papel na iyon.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon