GABE

560 17 0
                                    

GABE

"Saan mo ba nakuha yang sinasabi mo?" kunot-noo kong tanong, tinitigan niya lang ako na parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"So, wala kang gusto sa akin?"

"Excuse me, Mr. Alexander?" kunwaring naguguluhan kong sambit sa kaniya.

Nagwave siya ng hand habang patungo, gesture na nagsasabing 'my mistake' at saka siya huminga ng malalim. "I'm sorry, I got the wrong info, Gabe. Sorry."

Hindi siya nag-insist. Hindi niya kayang ipilit, o talagang ayaw niya lang kasi di niya ako gusto. Katulad ng sabi ni Xaviel, si Sheryl talaga ang gusto niya.

Hindi ako.

I should stay away.

"I think, I should go. By the way, thanks sa time." Maikling sambit ko at agad na naglakad na pero hinawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik. "Wala ka sa reunion, sabi ni Ericson. Why didn't you come?" his brows furrowed while staring at me.

"You didn't come either, bakit kung makapagtanong ka, akala mo may krimen akong ginawa?" kunot-noong sagot ko.

"Onyx came, hindi kayo nagsabay?" curious na tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Where is he going with it?

"Ano sa akin kung dumating siya, Lex? I am busy. I don't have time." sagot ko ng may iwas tingin kahit na ramdam ko ang init ng tingin niya sa akin.

"You don't have time to see him again?"

"Where are you going with this Alexander? It's bullshit. Uuwi na ako, so please, let go of my arm." iritang sambit ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama, so did I.

In just a blink of an eye, nakatingkayad na ako at nagri-reach out na sa kaniya habang siya naman ay sapo-sapo ang mukha ko ng dalawang kamay niya habang magkadikit ang mga labi namin.

Bumaba ang mga kamay niya hanggang sa umabot na ito sa bewang ko, tapos inangat niya ako hanggang eye level niya. Then he turned me around, and we shared another kiss.

Gabe, please. . .

I heard her voice.

Xaviel's voice.

The devil bitch's voice.

It's soft, it's pitiful.

Kahit na naging masama siya sa akin at dapat gantihan, nakonsensya ako at napabitaw sa pagkakahawak kay Lex at napalayo din ako sa mukha niya.

I can't do it, not when I know that I'm hurting someone, even though that someone is my biggest enemy. Because that is not happiness. That is revenging. And being revengeful is being selfish.

Naguguluhang tinignan niya ako ng hiniling kong bumaba at saka inayos ang nagusot kong damit. "I better go, naghahantay na ang crew ko sa labas."

"I'll walk y—"

"No need. I can do it alone." mabilis kong sagot at palakad-takbo akong lumabas ng storage room na iyon nang nanginginig ang labi, papatulo na ang luha.

Ang gusto ko na lang, mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Masakit dahil hindi ko masabing mahal ko siya kasi may masasaktan.

Masakit kasi iniwan ko siya doon.

Masakit kasi di ko alam kung anong tingin niya sa akin, kung bakit niya ako hinalikan e diba nga si Sheryl ang gusto niya.
Masakit kasi gulong-gulo na ako, gusto ko na lang mamatay!

P.S. I'm DyingWhere stories live. Discover now