Chapter 51 | Fear

Magsimula sa umpisa
                                    

"M-Mother..."

• • •

"Quick!" sigaw ni Lemon at mas lalo pang pinabilis ang pagtakbo.

Malapit na sila sa dalampasigan kaya naman mas lalo pa nilang binilisan ang kanilang takbo. Natatanaw na nila ang may kalakihang bangkang ginamit nila papunta sa islang ito kaya naman nag-anyong kabayo na si Lemon upang mabilis silang makarating roon. Mabilis na inilagay ni Nix sa likod ni Lemon ang katawan ni Rain at sumunod naman si Musa.

Nang makasakay si Musa ay hinawakan niya ng mabuti ang katawan ni Rain bago niya nilingon ang mga humabol sa kanilang mga ogres.

Tumigil si Nix sa pagtakbo at saka tinanaw sina Musa na mabilis na tinungo ang bangka bago niya hinarap ang mga nagtatakbuhang ogres na papalapit sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang dalawang kamay saka ipinikit ang mga mata, kasabay no'n ang pagbuo ng malaking ice wall sa pagitan nila.

Naramdaman ni Nix ang paghina ng katawan niya matapos niyang palibutan ng ice wall ang buong isla. Ginawa niya ang harang na iyon para hindi na sila mahabol pa ng mga ogres, ngunit ang kapalit naman no'n ay ang inipon niyang enerhiya.

Habang naglalakad siya patungo sa bangka ay nararamdaman niyang pilit na binabasag ng mga ogres ang ice wall pero alam niya namang matibay ang pagkakagawa niya no'n. Hindi iyon basta-basta nababasag dahil ibinigay niya ang lahat ng kaniyang enerhiya para lang magawa iyon.

Nang makarating siya sa bangka ay agad siyang umupo ng pabagsak sa sahig ng bangka bago niya isinandal ang likod sa gilid ng bangka. Napangiwi siya dahil sa pagkirot ng katawan niya.

"Are you okay?" Lumapit sa kaniya si Musa habang may pag-aalala sa kaniyang mukha.

Tumango lamang siya bilang sagot. Sunod siyang gumawa ng maraming palasong yari sa yelo sa itaas ng ice wall at sabay-sabay iyong itinira sa mga ogres na nasa kabilang bahagi ng ice wall. After of what he did, wala na siyang naramdamang mga ogres na nagtangkang sumira ng ice wall niya.

Nanghihina siyang tumingin kay Rain na nakahiga lang sa tabi niya, napansin niyang namumutla ito kaya naman hinawakan niya ang nuo at kumunot ang nuo. "Bakit ang lamig niya?"

"I don't know." Umupo sa harapan niya si Musa. "But I think she's fighting it. Pilit kasing pumapasok ang reyna sa kaniyang katawan, and I hope she'll continue fighting it so that we can't lose her."

Pagkatapos iyong sabihin ni Musa ay sabay silang tumingin sa palace. Tanaw na tanaw nila iyon mula rito. Nakikita nila ang mga kakaibang ilaw na sa tingin nila ay ang mga mahika ng mga naglalabanan doon.

"I can feel her power," Musa uttered with fear in her voice.

Kumunot ang nuo ni Lemon bago niya nilingon si Musa. "Whose power?"

"The dark magic of the Phantom Queen is spreading on the island." Lumunok si Musa saka ikinuyom ang kamay dahil naramdaman niya iyong nanginig. "She's a-awake."

"Paanong nangyari 'yon, hindi pa nag-iba ang kulay ng buwan," ani Nix.

"The end is near..." Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ni Musa. "No one can defeat the Phantom Queen. Maliban na lang kung lalabanan siya ni Queen Nathalie, the Queen of Mystic World."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Lemon matapos niyang marinig ang sinabi ng dalaga. "Don't be scared."

"Kaya niyo 'yan sinasabi kasi hindi niyo pa nakita ang kayang gawin ng Phantom Queen." Umangat ang ulo ni Musa upang salubungin ang mga mata ni Lemon. "She can destroy the world with the power she got from her victims. She have the darkest magic that no one can surpass."

"That would never happen, trust me. We will find a way to destroy her." Nix's cold voice turned into a soft one because of what he's seeing. Matiim siyang tumitig kay Musa na ngayon ay nag-uunahan na naman ang mga luha sa pag-agos sa pisnge nito.

"You can't feel her power, but I can. She is the one who gave me magic, our magic is connected." Umiling-iling si Musa habang pinupunasan ang basa niyang pisnge. "Rain's blood is the one that woke her up!"

Napabuntong hininga na lamang si Nix at hindi na sumagot pa kay Musa. Tinignan niya si Lemon na kasalukuyang nakatayo sa pinakadulo ng bangka habang tinatanaw nito ang palace.

"Lemon, can you cure Rain's wound?"

Tango lang ang isinagot ni Lemon. Bago siya lumapit kay Rain at gamutin ito ay tinignan niya muna ng huling beses ang palace. Napansin niya ang maiitim na ulap sa itaas nito, at may kasama pa iyong kaunting kidlat.

Nakakaramdam siya ng malakas na mahikang nagmumula sa ulap na iyon, na para bang naghahalo-halo ang mga iba't ibang uri ng mahika mula roon.

Her eyes glowed as she stared at the gloomy clouds on top of the Phantom's Palace.

"This is not yet the end..." Her fists clenches. "This is just the beginning of our destiny."

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon