Chapter 50 | A Drop of Blood

Start from the beginning
                                    

"The Phantom Queen chose that woman's body to be her next body because the Queen's true body that time is weakening as time passed by. But then when she finally captured that woman, the woman is already dead and has no soul, that's why, ang katawan ngayon ng reyna ay isang kalansay ngunit ang kaniyang kapangyarihan at kaluluwa ay nasa loob pa ng kalansay na 'yon. And this time, she wants Rain's body and magic."

• • •

Kaharap ngayon ni Trisha ang isang mabalahibong Phantom. Nakatingin lamang ito ng masama sa kaniya habang pinapakita nito sa kaniya ang matutulis nitong pangil. Hindi niya alam kung bakit heto pa ang napunta sa kaniya. Nandidiri kasi siya dahil bahagyang nakaawang ang bibig ng kalaban niya at tumutulo na ngayon sa sahig ang laway nito.

'Maka-ewww!' sabi niya sa kaniyang isip.

Napaurong siya bigla nang dahan-dahan iyon naging isang itim na lobo. Sunod niyang ikinuyom ang mga kamay niya bago iyon binalot ng bato. Tinignan niya muna ang kaniyang mga kasama na abala sa pakikipaglaban sa ibang Phantom habang may nguso sa kaniyang mukha. Bumalik muli ang kaniyang tingin sa kaniyang kalaban at mas lalong humaba ang nguso.

"Bakit kasi werewolf ang kalaban ko ngayon?!" inis na tanong niya sa kaniyang sarili. "Ihh! Naalala ko tuloy si Luna, magkamukha kasi pero mas cute si Luna."

Napaigtad na lang siya nang biglang umalulong ng malakas ang lobo bago iyon sumugod sa kaniya. Mabilis rin siyang tumakbo palayo sa lobo at saka ginawa ang sahig sa pagitan nila na matutulis na spikes. Mas lalong sumama ang tingin sa kaniya ng Phantom dahil doon.

Ilang segundo ang lumipas ay kumunot ang nuo ni Trisha nang bigla na lang humakbang patalikod ang Phantom, nang tumigil ang kalaban ay mabilis iyong tumakbo at tumalon papunta sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi niya na nagawang umiwas kaya naman nadaganan siya ng lobo.

Napaungol na lamang siya dahil sa sakit nang bigla siya nitong kalmutin sa tyan. Malakas niyang sinipa ang lobo sa tyan nito dahilan ng pagtalipon niyon. Dahan-dahan siyang tumayo habang nakahawak sa nagdudugo niyang tyan. She grimaced when she tried to move her body and felt it sting.

Nagsimula ng bumigat ang paghinga niya dahil sa malaking sugat na natamo niya. Itinapat niya ang kaniyang palad sa tyan niya upang gamutin iyon ngunit hindi pa siya nakakapagsimula ay inatake na naman siya ng lobong Phantom. Nakaiwas nga siya pero nakalmot pa rin siya nito ng kaunti sa braso. Napunit ng kaunti ang suot niyang damit ngunit hindi niya na iyon pinansin at gumawa ng lamang ng espadang yari sa bato.

Tinignan niya ng masama ang lobo at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa espada. Kahit na masakit ang kaniyang katawan ay pinilit niya pa ring gumalaw upang lumaban, dahil kung hindi siya lalaban ay baka tuluyan na siya nitong paslangin.

Inihakbang niya ang isa niyang paa sa likod at saka bumwelo dahilan ng pagkawasak ng sahig sa kinatatayuan niya. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kalaban at sinubukang saksakin iyon ngunit mabilis itong umiwas.

Grrrr...

Hingal na hingal na siya. Napapakagat na lamang siya sa kaniyang labi kapag nararamdaman niya ang kirot ng kaniyang mga sugat.

Dumako bigla ang kaniyang tingin sa taas at nakita ang isang ibon na hindi naman kalakihan ngunit tamang-tama naman ang laki nito. Nasisigurado niyang si Lemon iyon dahil sa nararamdaman niya ang mahika ni Lemon na nanggagaling sa ibon.

Habang nakalipad naman si Lemon sa himpapawid ay nakatuon lamang ang kaniyang mga mata kay Rain na nasa loob ng magic circle at katabi ang kalansay, na sa tingin niya ay ang kalansay ng Phantom Queen. She just need to get Rain out of the magic circle so that the Queen can't take Rain's body.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now