The three of us are members of Elite Force. Ito ang pinakamataas na ranking ng agents samin at konti pa lang ang nakakatuntong dito at kami pa lang Elites ang nakakita kay boss.

Ang bawat Elite member ay may kanya kanyang field kung san nakaassign so basically hindi kami magkakasama sa mga mission depende na lang kung sobrang laki at sobrang mapanganib ang mission.

“Di ko pa binubuksan yung email kasi tumawag si Boss at sinabing sabay sabay natin tignan.” May kung ano pang tinaype si Aya bago ulit sya bumaling samin at pinakita ang laptop.

“Let’s open it. May gagawin pa ako.” Sabi ni Blacey habang umiinom ng frappe nya.

Agad na tinap ni Aya ang email at binasa namin yon.

“Hello angels! Since kakatapos nyo lang sa isang major mission, I’m giving you a month for a vacation. Hope you enjoy your vacation.  Have a nice day!- Boss Ps. This email will explode in a minute.” Basa ni Aya ng medyo malakas.

Agad nanlaki ang mga mata namin at nagkatinginan.

“Shit!!” sabay sabay naming sabi at mabilisang umalis ng cafe.

Tumakbo kami ng mabilis at naghanap ng walang taong lugar. Luminga linga pa ako para maghanap ng pwedeng pagtapunan ng laptop.

"There!" I shouted at tinuro ang isang bakanteng lote na puno ng basura.

Agad na tinapon ni Aya ang laptop at tumakbo ulit kami palayo.

Maya maya ay nakarinig kami ng pagsabog. Hiningal kaming tumigil sa pagtakbo. Napaupo naman si Blacey at si Aya naman ay hawak hawak ang kanyang dibdib. I just stand there as I catvh my breath. Shit! Di ko inaasahan to

“I never imagine na makakatakbo ako ng nakaheels!” reklamo ni Blacey.

Napatingin naman ako sa paa ko dahil naka slippers lang ako. Pano na lang kung nakayapak pa rin ako. Ayos puro sugat siguro paa ko.

“Damn Boss! Bat ko ba nakalimutan na sobrang unpredictable ng boss natin! Nawalan nanaman ako ng laptop. Siguro naman papalitan nya yon” tumingin si Aya sa kanyang relo.

Tumingin muna ako sa paligid kung meron bang nakakita ng ginawa namin. Napabuntong hininga na lang ako ng wala naman akong napansing tao. Pero for sure dahil sa pagsabog ay maya maya din ay maglalabasan yun kailangan na naming umalis.

“I better get going. Tatanggalin ko yung footage ng nangyari. Bye girls. See you again next time” mukang naisip din ni Aya ang naiisip ko. I nodded at her at bid goodbye.

“Aalis na din ako! Bye, Erina” Blacey bid her goodbye and kissed my cheeks before walking cooly pabalik ng cafe dahil nandun ang sasakyan nya.
Damn napagod ako kakatakbo.

Naglakad na ako para pumara ng taxi pauwi. Ilang sandali pa ay nakasakay na din ako ng taxi. Agad kong sinabi kung anong address at umandar na ito.

Ano kaling gagawin ko sa isang buwan na bakasyon. Pwede akong pumuntang beach I might as well invite those two para may kasama ako. Napatigil ako sa pagiisip when my phone suddenly rung.

I answered it at itinapat sa tenga ko.
“Anak, its me” I sighed when I heared his voice. How I miss him!

“Dad! How are you?” narinig ko naman ang pagtawa nya. Napangiti din ako.

“I miss you! Where are you right now?” dagdag ko.

“I miss you too! My plane just landed, princess. Pauwi pa lang ako sa bahay. Ikaw nasan ka ba?” my dad said.

“Pauwi po ako sa condo. May meeting kami kanina nila Aya. Si kuya nasan po?” i asked him.

Narinig ko pang tumawa muna sya bago sumagot.

“I don’t know where that man is. Alam mo naman yong kuya mo bigla biglang nawawala. By the way, anak pwede ka bang pumunta mamaya sa bahay? You i miss you so much. Will you cook me dinner, princess?”

Agad naman akong natigilan sa sinabi ni Dad. I sighed at muling bumaling sa kausap.

“Alright Dad. I’ll be there by 6. I’m here na po sa condo. Call you later. Love you, Dad!”

“Thanks, anak. Love you too!” then he hunged up. Binulsa ko muna ang phone ko at saka nagbayad sa taxi at bumaba na.

Pagkaakyat ko sa condo ay agad akong humiga sa kama.What a day! Napaka eventful ng araw na to.

Binalikan ko ulit ang paguusap namin ni Dad. He wants me to go home. Kaya ko na ba?

Simula yung nangyari ang trahedyang iyon, di pa ako ulit nakauwing bahay.

Nung namatay si Mom umalis ako sa bahay dahil di ko maatim na tumira kung saan namatay si Mom. Buti na lang pumayag si Dad siguro inaalala nya rin ako dahil witness ako sa nangyari kay Mom.

He never blamed me for the death of Mom. He blamed himself dahil wala sya ng nangyari iyon at hindi nya kami naprotektahan ni Mama.

Alam kong wala mang sino saamin ang may kasalanan. But i blame myself, until now kasi nandon ako. Saksi ako sa nangyari.

Mariin akong pumikit. It was his fault. I will find him and avenge my Mom's death.

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Tumayo ako at pumunta sa veranda. Tinanaw ang mga sasakyang dumaan at dinama ang sinag ng araw.

I will surely find you. That man with an arrowed crescent moon tattoo.

Played By FateWhere stories live. Discover now