Chapter 18: He's Raven

Comenzar desde el principio
                                    

"Whatever," walang emosyon kong sabi at umirap sa kanya. I heard Elena softly chuckled and looked at me.

"Hayaan mo na 'to, Artemis," natatawang sabi ni Elena at tinapik ang braso ni Primo.

"Palibhasa kasi puro pagpapasabog ang alam. Kung pasabugin ko kaya mukha mo, Montario?" singhal ko at tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang bar. He turned off the engine kaya bumaba na rin kami.

My heart was beating so fast because of the music, at medyo nasisilaw ako dahil ang daming ilaw sa labas ng bar. Napatigil ako saglit at pinagmasdan ang paligid.

Metropolitan...

"Shit," I cursed and held my head. Mabilis na humarap sa akin si Elena para sipatin ako ng tingin.

"Are you okay?" she asked and I just nodded para hindi na siya mag-alala.

Pumasok na kami ng bar ng walang kahirap-hirap. Namataan kaagad namin ang mga kaklase naming mukhang nag-iinuman na.

Nilibot ko ang tingin ko para hanapin ang isang tao at umiwas nang makita ko itong may katabing babae. He is casually wearing a white oversized shirt and black jeans.

"Oy, Nikolai!"

Nagulantang ako ng marinig ang boses ni Primo na papalapit ngayon kay Nikolai. Kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang kilay ni Nikolai habang umiinom ng beer.

"What the fuck?!" singhal ni Nikolai at umirap pa. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin at nung nakita nila ako ay parang nagliwanag ang mga mata nila.

"Queen of Ace!" sabi nung isang lalaking hindi ko naman kilala at kumaway pa akin. Peke akong ngumiti para naman hindi siya mapahiya. Pinaupo nila ako sa bakanteng upuan at inabutan ng isang bote ng beer. Uh, since when did we became close?

"Congratulations for winning the Land of Imperials!" aniya at sabay-sabay kaming nag-cheers. I think they rented the whole bar dahil halos kami-kami lang din ang nandito.

Matapos kong makainom ng ilang bote ay nakaramdam na ako ng hilo. It's been a while since I last drink in here. Paika-ika akong naglakad papunta sa restroom ng biglang manghina ang tuhod ko at napaluhod sa sahig.

"Mag-ingat ka nga," mahina nitong sabi habang hawak ang braso ko. My heart never throbbed so fast when I heard his voice before.

"Raven, let me go. Tapos na ang laro at wala ka na ring obligasyong protektahan ako," malamig kong sambit at humawak sa pader para suportahan ang katawan ko. I removed his hands on my arms and faced my back on him. My heart strangely ached as I saw how his expression changed when I pushed him away.

Sa hindi malamang rason, bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Now I know why this place is so familiar, huh.

I closed my eyes, and woke up with a familiar scene from the past.

"Don't you fucking dare mess with me!" sigaw ko at malakas na sinipa sa likod ang babaeng estudyante. Humagulgol na naman ito dahilan para mas mainis ako lalo. This bitch is annoying!

"H-Hindi ko s-sinasadya," paliwanag nito kaya hinila ko ang buhok nito at dinala papunta sa pader. No one dares to mess with me, I am the Queen and they should fear me.

"Chill, Leader," awat ni Virgo kaya itinulak ko ang babae pahiga sa sahig.

"Tsk."

Nag-walk out ako at dumiretso sa rooftop para magpahangin. This is just an ordinary day of my stupid high school life. May nagtapon nga lang ng naman juice sa uniform ko at namantsahan tuloy ito.

Bumukas ang pintuan at nakita ko si Primo na kasama si Elena. They are lovebirds in the gang... at ang sakit nila sa mata. Tinaasan ko naman ito ng kilay nang maglakad sila papalapit sa akin.

"Oh? Anong kailangan niyo?" inis kong tanong at humalukipkip.

"May transferee raw dito sa Monarch," sagot ni Elena at tumabi sa akin. Inabutan niya ako ng chewing gum at kaagad ko itong nilagay sa aking bibig.

"That person has the guts to enter this school? He just entered a lion's den," nakangisi kong sambit at pinaputok ang chewing gum. Napansin kong natahimik ang dalawa kaya kumunot ang noo ko.

"Putol na ba ang mga dila niyo?" sarkastiko kong tanong at biglang nagsalita si Primo.

"Hindi siya basta-basta, Artemis."

Is that a threat? Nobody can beat me in this school. They fear me when they see me.

"Why? Bumubuga ba siya ng apoy? Kaya niya ba akong pasabugin? If not, why would I be scared of that person?" I answered with a smirk curved in my lips.

"Artemis, he is a threat in our gang. He can take down a gang all alone," mahinahong sabi ni Elena.

He—so a guy. Napangisi ako ng malamang makakahanap na rin ako ng katapat ko. Ilan na kaya ang napatumba niya? Sino ang mga nakalaban niya?

Bakit siya nandito?

"He is Raven. Ayun lang ang nalaman ni Leo," sabi ni Primo at naglabas ng tinapay, saka ito sinalpak sa kanyang bibig. Raven, huh?

Napatingin kaming tatlo sa pinto nang bumukas ito at bumungad sa amin ang isang lalaki na nakapamulsa.

He has dark piercing eyes and he has no emotion written on his face. Kulay itim ang buhok niya at gulo-gulo ito. He has three piercings on the left side of his ear and two on the right.

This guy has a very dark and intimidating aura. His presence... is something, and it is really heavy.

"That's Raven."

Crownless QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora