Chapter 45 | Mystic Ball

Start from the beginning
                                    

Nakasuot siya ng dilaw na gown at may make-up rin ito, pero kaunti lang kasi ayaw niyang lagyan ng maraming make-up ang mukha niya, sa totoo lang ay pinilit lang siya ni Angel. Naka-loose braid siya at nakapatong iyon sa balikat niya. Ayaw niya ring alisin ang glasses niya nung pinilit namin, ewan ko kung bakit.

"Yes, you look good." Nakapameywang na saad ni Angel habang kaharap niya si Lemon. "Honestly, you look even better if you're just going to remove your glasses for a while."

Angel looks badass in her bloody red gown. Makapal ng kaunti ang kaniyang make-up, habang ang kaniyang buhok naman ay nakalugay at curly 'yung sa dulo.

Bumaling naman ang aking tingin kay Musa na tahimik lang na nakaupo sa kama na tila ang lalim talaga ng iniisip. Kahapon pa siya ganiyan, simula nung umalis si Nix sa cafeteria ay naging tahimik na siya at tulala.

Lumapit ako sa kaniya saka umupo sa tabi niya. "Are you okay?"

Ngumiti siya ng pilit. "Y-Yes."

"You look gorgeous," komento ko.

This time, her smile became real. "Thank you."

Mas lalo akong namangha sa ganda niya. Suot niya ang violet na gown na napili niya sa boutique, medyo may pagka-dark ang kaniyang make-up na mas lalong nagpabagay sa damit niya. Bagay na bagay rin sa kaniya ang long messy hair niya.

"Okay!" Tumayo si Lemon at saka ininat ang kaniyang braso. "We better get going, your dates are probably waiting for you."

Kumunot ang nuo ko. "Date?"

Marami ang nag-aya sa amin tungkol diyan pero hindi namin tinanggap, because we planned to enjoy this night with our friends. So, sino naman ang ka-date namin ngayon? As far as I can remember, we don't have a date.

Sumunod kami kay Lemon na lumabas sa kuwarto ko.

Pag-labas na pag-labas namin pa lang ay bumungad na kaagad sa amin ang apat na lalaki na kasalukuyang nakaupo sa sofa ng dorm naming babae. Napatingin silang lahat sa amin at kaagad na tumayo dahilan para makita namin ang mga suot nilang suit.

"Beauties!" manghang sigaw ni Winter. He is wearing a suit that has the same colour of my gown. Maayos rin ang pagkakasuklay ng buhok niya na parang pinaglaanan niya talaga ng oras at effort 'yon.

"Why did you put so much make-up on?" Nix asked while his cold eyes is looking at us-err, mukhang hindi naman siya sa amin talaga nakatitig, parang 'yung isa riyan ang tinatanong niya. The colour of his suit is dark blue, and like Winter, his hair is clean.

"Headmistress is probably looking for us." Sky is wearing a white suit, and I can say that he looks like a prince. Pero ang problema lang ay ang buhok niyang sigurado akong hindi niya inayos, natatakpan pa kasi 'yung mga mata niya ng mga bangs niya. Habang ang alaga niya naman na si Luna ay may itim na ribbon sa leeg nito.

"Hey!" Napairap na lang ako dahil sa inasal ni Nath. "Alam niyo ba kung ilang oras kaming naghintay dito?"

I looked at him from head to toe. Nakasuot siya ng dark red na suit, at sinuot rin niya ang nakakainis na simangot sa mukha niya. Hindi tulad ng iba ay, mukhang hindi siya naglaan ng oras para ayusin ang magulong-magulo niyang buhok. Parang isang segundo lang siyang nagsuklay.

"Huwag ka ngang overreacting!" Humalukipkip si Winter at saka naiinis na tinignan si Nath. "Ilang minuto lang tayong naghintay kasi pagkarating natin ay nag-aayos na sila."

"Actually, Nath, kakaupo lang natin," ani Nix.

"Ihhh! Punta na tayo, naghihintay na sa akin ang mga pagkain doon!" pagkatapos iyong isigaw ni Trisha ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng dorm namin na parang wala lang sa kaniya ang heels na suot niya ngayon.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now