Chapter 37

5.5K 191 1
                                    

This chapter is dedicated to: daniduazo 💛

Thank you sooooo much for being an active reader and voter! I really really appreciate it, sweetie! Thank you so much! Love lots! 💛

T H I R D  P E R S O N

Mabilis na lumipas ang limang araw simula nung nagkalat ang mga sanguine at nosferatu sa loob ng Sanguis University. Hanggang ngayon ay hindi parin alam nila King kung saan nila hahanapin si Scarlet.

Kasalukuyan silang nasa headquarter, sina Dustin, Kelly at Cindy ay balisang-balisa na dahil sa nakikita na nilang unti-unti nang nanghihina ang katawan ni King. Alam nilang nauuhaw na naman ito sa dugo ni Scarlet, kaya kailangan na kailangan na talaga nilang mahanap ang dalaga.

"Saan natin hahanapin si Scarlet? Saan naman kaya siya pwedeng itago ni Monica? Nakakainis naman kasi yung babaitang yun eh! Isa pa yung Andrea na yun, hindi ko akalaing magagawa niya yun sa kaibigan niya!"

Naiinis na sambit ni Cindy.

"Kumalma ka nga, Cindy. Halos limang araw ka nang nagra-rant, nakakarindi na kaya."

Sambit sa kanya ni Kelly.

Nilingon naman niya ito at tinaasan ng kilay.

"You can't just tell me na kumalma ngayon, lalo na't nanghihina na ulit si King dahil sa pagkauhaw niya sa dugo ni Scarlet. What if may gawin na namang kabaliwan si Monica? Si King lang ang kayang kumalaban sa kanya, okay?!"

Naiinis na tugon ni Cindy kay Kelly.

"Look, we're all stressed out, Cindy. Paano pa kaya si King, diba? Because he doesn't have any idea kung saan ba tinago ni Monica at Andrea yung girlfriend niya. Kaya pwede ba kumalma ka dyan, nakakarindi ka na eh. Imbes na ngumawa ka lang dyan, mag-isip ka rin kaya nang plano kung ano ang susunod nating hakbang para mahanap si Scarlet."

Sambit naman ni Kelly sa dalaga.

Inirapan naman siya ni Cindy at padabog na umupo sa couch. Habang si Dustin naman ay kakababa lang galing sa kwarto ni King, naabutan niyang tahimik ang dalawa kaya kunot-noo niyang tinignan ang mga ito.

"This is something new. Why are you two so quiet? Why aren't you quarelling?"

Curious na tanong ni Dustin sa dalawa.

"Uunahin pa ba namin yun, ha? Tss. Anyway, kamusta na pala si King? Tuluyan na ba talaga siyang nanghihina?"

Tanong rin sa kanya ni Cindy.

Tinanguan niya ito at umupo rin sa isang couch.

"Yeah, his body is starting to get really weak because of his thirst and the fact that he doesn't any single idea where Scarlet is. That's why we should really keep on looking for her, King really needs her."

Seryosong tugon ni Dustin kay Kelly.

"Pero hinanap na natin siya sa buong university pero wala talaga siya, ni hindi rin nagbigay ng clue si Monica kung saan ba niya tinago si Scarlet. What if.. hala! Baka naman pinatay na siya ni M — aray! Bakit na naman ba, surot ha?! Inaano ba kita?!"

Galit na sigaw niya kay Kelly pagkatapos siya nitong batuhin ng maliit na unan na sumapol mismo sa mukha niya.

"Ang exaggerated ng iniisip mo! Tss. Lalo ako nai-stress sayo eh."

Owned by the Vampire KingWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu