Chapter 34

5.3K 158 16
                                    

S C A R L E T

Halos 30 minutes na ang nakakalipas simula nung nakaalis sila King. As of now wala pa namang bampira ang nagpapakita sakin dito sa harap ng lobby.

Natatakot talaga ako. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin kila King. Bampira rin naman sila, sa katunayan nga malakas sila. Pero syempre hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa kanilang apat kasi hindi lang isa o dalawang sanguine at nosferatu vampires ang nagkalat, sobrang dami.

Gustong-gusto ko talagang tumulong kaso baka ako pa ang tulungan nila.. magiging sagabal lang ata ako sa kanilang apat kapag pinagpilitan kong tulungan sila. Pero sabi ni Ms. Laura sakin, hintayin ko daw ang red moon bago ko sila magawang tulungan. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano bang meron sa red moon na yun.

"Scarlet!"

"Oh my — Andrea?!"

Nagulat sa biglang pagsulpot ni Andrea sa bintana. Agad kong inunlock ang pinto at binuksan ito.

Umupo siya sa tabi ko, hingal na hingal siya at pinagpapawisan rin.

"H-Hoy, okay ka lang ba? Hinabol ka ba nung mga vampires?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sakin na may lungkot sa kanyang buong mukha. Bakit? Anong nangyari? Bakit siya malungkot?

"S-Scarlet, you need to know something." malungkot ngunit seryoso niyang sambit.

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.

"What is it?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Umayos siya nang upo paharap sakin, hinawakan rin niya ang dalawa kong kamay at tinitigan ako nang may lungkot sa kanyang mga mukha.

"S-Si King.." sambit niya.

"B-Bakit? Anong nangyari sa kanya? Nakita mo siya kanina? Marami na ba siyang sugat? Nanghihina na ba siya?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang puno nang pag-aalala ang aking boses.

Nag-aalala na talaga ako para kay King, kanina pa bago sila umalis. Aware naman akong malakas siya kasi nga bampira siya, pero aware rin ako na darating siya sa point na babalik ang pagkauhaw niya sa dugo ko at tuluyan na siyang manghihina katulad ng nangyari sa kanya dati. At kapag nangyari ulit yun sa kanya, paano ko siya hahanapin? Napakalawak nitong university, baka abutin ako nang dalawang araw bago tuluyan ko siyang mahanap.

"Basta promise me na hindi ka masasaktan ah.." malungkot niyang sambit.

"Bakit? Ano ba kasing nangyari, Andrea? Ano bang nangyari kay King? Sabihin mo na agad, kasi nag-aalala na talaga ako!" tugon ko sa kanya.

"I saw him.. he's with Monica. T-They're kissing, Scarlet. I-I tried to approach them kaso.. kaso h-hinabol ako nang mga bampira, that's why I decided to look for you because you need to know the truth." nauutal ngunit malungkot niyang sambit.

Parang biglaang nabasag at nasira ang buong sistema ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi eh.. imposible yung sinasabi niya, hindi yun magagawa sakin ni King. Hindi niya magagawang mag-taksil sakin. Hindi yun totoo.

Bahagya akong tumawa at umiling-iling dahil sa sinabi niya.

"Joke time ba ngayon, Andrea? Wag ka ngang magbiro nang ganyan, hinding-hindi yan magagawa sakin ni King. Masyado akong mahal nun eh."

Nakatitig lang siya sakin pero may mga lungkot sa kanyang mukha.

"Scarlet, believe it or not.. but I really saw them kissing each other's lips. Mukha mang imposible, pero nakita ko talaga eh. I saw it with my two eyes. Monica was and will always be his first love, Scarlet." muling sambit ni Andrea.

'Monica was and will alwayd be his first love, Scarlet..'

'Monica was and will alwayd be his first love, Scarlet..'

'Monica was and will alwayd be his first love, Scarlet..'

Paulit-ulit na nag-echo sa buong tenga at utak ko ang huling katagang sinabi ni Andrea.

"N-No.. No! Mahal na mahal ako ni King and hinding-hindi niya magagawa yun sakin! He even told me earlier that I am his strength and he loves me so much! Hindi totoo yang sinasabi mo.." pagpupumilit ko kay Andrea.

Nakatitig parin siya sakin habang ako naman ay pilit na pinipigilan ang sariling maluha dahil sa sinasabi niya.

Hinding-hindi yun magagawa ni King.. alam ko at ramdam kong mahal na mahal niya ako kaya imposible yung sinasabi ni Andrea.

Pero may bumubulong sakin na what if totoo nga yun? What if nakita niya talaga na naghahalikan yung dalawa? What if nagsasabi talaga siya nang totoo? What if hindi.. hindi talaga ako mahal ni King? What if si Monica parin talaga ang mahal niya?

Puro what ifs..

"Diba nga may kasabihang first love never dies? His love for Monica never dies, Scarlet. You should know it by now. He didn't really love you, he is just using you para pagselosin si Monica para muling bumalik sa kanya. Then after that, tatanggalin ka niya sa pagiging Queen at muling ibabalik kay Monica ang pwesto. He is just playing with your feelings, Scarlet. King doesn't love you. Hindi mo man lang ba napansin na parang ang bilis ka naman niyang mahalin? Hindi ka pa naman niya masyadong kilala pero mahal ka na niya agad? That's really suspicious, Scarlet. Basically, he already planned everything." sambit ni Scarlet.

Unti-unti nang namamatay at nadudurog ang puso ko dahil sa mga sinabi ulit ni Scarlet.

"N-No! Hindi totoo yan! He loves me, Andrea! He loves me!" umiiyak na sigaw ko sa kanya.

Hindi ko na talaga mapigilan ang aking mga luha, kaya sabay-sabay na silang tumulo. Iyak lang ako nang iyak habang nakatakip ang mga kamay sa aking mukha.

Ibigsabihin hindi talaga totoo lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya sakin? Lahat ng I love yous ay hindi totoo? Lahat ng sweet gestures niya ay mga peke lang? Paano naman yung mga halik na binigay niya? Napipilitan lang siya dun? Planado na pala niya talaga ang lahat ng ito.. pinaglaruan lang niya ako.

Naramdaman ko na lamang ang pagyakap sakin ni Andrea habang ako naman ay iyak parin ng iyak. Hinayaan ko siyang yakapin ako nang mahigpit hanggang sa naramdaman ko nalang ang pananakit ng batok ko at pagkamanhid ng buo kong katawan.

"A-Anong n-nangyayari? B-Bakit—"

"Sleep well and goodbye, Queen."

Narinig kong bulong ni Andrea saaking tenga hanggang sa tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang aking paningin.

— — — —

Author's Note:

Hello, sweeties!

Pasensya na kung wala akong update nitong mga naraan, medyo busy rin kasi ako sa work ko and muntikan pa daw ma-writer's block ngayon 🤦

Pero ito na yung chapter 34, short update lang siya ngayon kasi inaantok na rin talaga ako and maaga pa gising ko mamaya. Hehe. But don't worry, babawi ako sa mga susunod na updates! Malapit na rin siyang matapos 🥺 kaya stay tune lang!

Don't forget to vote, comment and follow me!

Thank youuuuuuu!

Love lots! 💛

Owned by the Vampire KingWhere stories live. Discover now