Chapter 11

8.5K 290 32
                                    

S C A R L E T

Literal akong napanganga dahil sa sinabi niya. Hinampas ko nang malakas ang braso niya kaya napatingin siya sakin.

"Ano bang pinagsasabi mo, ha? Nababaliw ka na talagang Kingkong ka!"

Inis na sigaw ko sa kanya.

"What did you call me?"

Seryoso niyang tanong sakin habang inilapit ng unti ang kanyang mukha sa mukha ko.

Nilayo ko naman ang mukha ko sa mukha niya.

'Nababaliw na talaga 'tong unggoy na 'to!'

"Kingkong! Yan ang tinawag ko sayo! Mukha ka namang unggoy kaya ang dapat itawag sayo ay Kingkong, aangal ka ha?"

Taas-kilay na tanong ko sa kanya habang nilalabanan ang mga titig niya na talaga namang nakakailang.

"No. Call me whatever you want, it's fine."

Biglang sambit niya at umiwas ng tingin.

Napangisi naman ako dahil sa pag-iwas niya nang tingin. Nakakaramdamn rin pala nang pagkailang ang hari.

"King, we already ordered our breakfast meal."

Biglang singit ni Dustin saming dalawa.

"Let's eat. Come with us, Scarlet."

Sambit ni King kasabay ng paghawak niya sa kamay ko na ikinagulat ko.

"Woah woah woah! Sino may sabing pwede mo kong hawakan?"

Pagpiglas ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"No one, but I can hold you any time I want."

Nakangising sagot ni King sa tanong ko sa kanya.

"Ang kapal ng mukha m—"

"E-Excuse me, Scarlet.."

Pagsingit ni Andrea.

"Bakit?"

Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Any minute magsisimula na ang classes natin, we need to go."

"Skip classes with me, Scarlet."

Biglang sambit ni King na ikinalingon ko sa kanya.

"You are such a bad influence, ayoko nga! Let's go, Andrea."

Inirapan ko si King at hinila na ang kamay ni Andrea palayo kila King.

Nang makalayo at makalabas na kami nang cafeteria ay agad na nagcling sa braso ko si Andrea.

"Grabe talaga! Ikaw na talaga, dzai! Ikaw na ang kayang sigaw-sigawan at sungit-sungitan ang hari nitong Sanguis University! How to be you, ha?? Turuan mo nga ko!"

Mapang-asar niyang sambit na inirapan at inilingan ko lang.

"Sorry love, you can't be like me."

Nakangisi kong sambit, nagkunwari naman siyang nagulat dahil sa sinabi ko.

"Shocks!"

Sabay kaming natawa dahil sa pinagsasabi namin.

Owned by the Vampire KingWhere stories live. Discover now