Chapter 26

5.7K 202 2
                                    

S C A R L E T

Kunot-noo akong nakatingin kay Kelly na may pag-aalala naman ang kanyang mga mukha.

"B-Bakit, Kelly? Anong nangyari kay King?" Tanong ko sa kanya.

Kadarating ko palang dito pero parang may problema na agad na bubungad sakin ngayon. Iniisip ko pa nga yung binitawang salita sakin ni Dad bago siya umalis tapos bigla namang bumungad itong si Kelly na halatang may sasabihing problema patungkol kay King.

Speaking of King, talaga namang hindi niya ako binisita kahit isang beses nung nag-eenjoy pa ako sa labas ng university na ito. Talagang sineryoso niya yung hinihingi kong time para ma-proseso nang utak ko ang lahat ng nalaman ko tungkol sa kanila.

"S-Sumama ka nalang muna sakin sa Headquarter at doon ko sasabihin sayo." Tugon naman niya saaking tanong.

Tinanguan ko na lamang siya at nagtungo na kami agad sa Headquarter ng mga Royalties.

Halos isang linggo rin pala akong hindi nakapunta dito sa Headquarter, ganun parin naman ang disenyo nito sa labas. Pagkapasok namin ni Kelly ay sakto namang pababa nang hagdan si Cindy. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

"S-Scarlet.."

Pagbanggit niya saaking pangalan.

"Cindy! Kamusta na si King? Ganun parin ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Kelly sa kanya nang makalapit ito sa kanya.

Ano ba kasing nangyari sa kanya nitong isang linggo naming hindi pagkikita? May pinasok kaya siyang away o gulo tapos nasugatan siya nang sobra then naging malala ang kalagayan niya ngayon? Naku! Masasabunutan at mababatukan ko talaga siya!

Tumango-tango si Cindy habang nasakin parin ang kanyang paningin.

"O-Oo eh.." Nauutal na sagot naman ni Cindy sa kanya.

Tinigna ako ni Kelly at niyayang pumunta sa kwarto ni King. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa paakyat sa ikalawang palapag nitong Headquarter. Huminto kami sa tapat ng kwarto ni King, wala akong naririnig na ingay mula sa loob.

Binuksan ni Cindy ang pinto nang kwarto ni King, malamig na hangin ang bumungad sakin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sitwasyon ni King ngayon.

Agad ko siyang nilapitan dahil saaking pag-aalala.

Sobrang putla nang kanyang balat, tuyo ang kanyang mga labi, malalim ang kanyang paghinga na para bang nahihirapan siyang huminga, malaki ang kanyang eyebags at mukha siyang lantang gulay dahil sa itsura niya.

'Anong nangyari sa kanya nung mga araw na wala ako?..'

"Anong nangyari sa kanya?! B-Bakit naging ganito ang itsura niya, Kelly?"

Naghi-histerikal na tanong ko kay Kelly habang patuloy na tinitignan si King.

Lumapit silang dalawa ni Cindy sa kabilang side nang kama ni King at tinignan si King nang may pag-aalala rin sa kanilang mga mukha.

"Ang sabi nang mga nakakatandang bampira, kapag naging ganito daw ang nangyari sa isang Noble Vampires.. ibigsabihin daw nun ay nahanap at minarkahan na nito ang kanyang Mate."

Tugon sakin ni Cindy at tumingin sakin na may kunot-noong mga noo.

Ano? Mate? Anong kinalaman ko dun at ganyan makatingin sakin ngayon si Cindy?

"Scarlet, may mga tanong kami na kailangan mong sagutin at alam namin na ikaw lamang ang makakasagot nito." Seryosong wika ni Kelly habang nakatingin rin sakin.

Owned by the Vampire KingWhere stories live. Discover now