Chapter 15

7.3K 215 6
                                    

T H I R D  P E R S O N

Kinabuksan, nagising na si Scarlet sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Nag-stretch siya habang nakahiga at kinusot ang kanyang mga mata.

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa bigla niyang naalala na nasa Headquarter pala siya nang mga Royalties.

"Good morning."

Pagbati sa kanya ni King na nakaupo sa single-couch habang may hawak na libro.

"G-Good morning.. kaninong kwarto 'to?"

Nagtataka niyang tanong.

"Mine."

Simpleng sagot ni King sa tanong niya.

'Oh my gosh.. paano ako napunta sa kwarto niya?? H-Hindi kaya..'

Agad niyang niyakap ang kumot at nakasimangot na tinignan si King

"A-Anong ginawa mo sa—"

"I didn't do anything to you, Celine. You still have your clothes on, if you didn't notice it."

Muling sambit ni King at tumayo na sa kanyang pagkakaupo.

Tinignan ni Scarlet ang katawan niya at siya nga ay nakasuot parin ng damit na suot niya kahapon.

"Akala ko kasi ano eh.."

"What? Unless.."

Nakangising sambit ni King habang unti-unting lumalapit kay Scarlet na paatras naman ng paatras sa pagkakaupo niya sa kama.

"Unless ano? B-Bakit ba?"

Nahihiyang sambit naman ni Scarlet.

"Unless you want me to do something to you right now."

Nakangisi paring sambit ni King habang palapit ng palapit parin sa dalaga na halatang kinakabahan sa pwedeng gawin ni King sa kanya.

"A-Ano ba?! Sisigaw ako nang rape!"

Inis na sigaw ni Scarlet sa kanya.

"As if someone will hear you here in the middle of the woods inside the university."

"M-Maririnig ako nila Kelly!"

"My room and their rooms are soundproof."

Nakangising sambit ni King habang titig na titig kay Scarlet.

Sobrang lapit na nang kanilang mukha sa isa't-isa, magkadikit na ang dulo nang kanilang mga ilong. Kasalukuyan paring nakatitig si King kay Scarlet na para bang kinakabisado nito ang bawat parte nang kanyang mukha.

Hinawakan niya ang baba ni Scarlet at itinaas ng unti ang ulo nito para pumantay sa kanya. Unti-unti nang nilalapit ni King ang kanyang labi sa labi ni Scarlet..

"Magandang umaga, hari't reyna! Oh my goodness!"

Nagulat si Kelly dahil sa kanyang nakita at nanlalaki ang kanyang mga mata, ngunit mas nagulat si Scarlet kaya agad niyang itinulak palayo si King kaya ito'y napahiga sa kama.

Tinignan ng masama ni King si Kelly dahil sa ginawa nitong biglaang pagpasok sa kwarto nang hindi man lang kumakatok. Napalunok naman si Kelly dahil sa sobrang nakakatakot na tingin ni King sa kanya, unti-unti naman siyang naglakad paatras palabas ng pinto.

"N-Naistorbo ko ata k-kayo, hehehe. S-Sige, ituloy niyo na yan! Ba-bye!!"

Nagmamadaling sambit ni Kelly habang sinasara ang pinto.

Owned by the Vampire KingWhere stories live. Discover now