Chapter 20

6.4K 219 13
                                    

T H I R D  P E R S O N

Palingon-lingon si Scarlet habang naglalakad patungo sa soccer field, hindi parin niya nararamdaman ang mga matang nagmamasid sa kanya mula sa kadiliman.

Nang makarating na siya sa labas ng soccer field, tinignan muna niya ang kanyang relo at ang oras na ay 6:05 PM. May 25 minutes pa bago maglabasan ang mga bampira na kinatatakutan niyang makita ulit.

Pumasok na siya sa loob ng soccer field at agad rin niyang nakita si Kevin na nakatayo sa gitna nang field.

"Kevin!"

Pagtawag niya sa binata.

Napangiti naman siya nang nilingon siya nito, naglakad na siya papalapit sa binata. Huminto siya sa harap nito at pilit na inaaninag ang mukha ni Kevin kaso hindi niya ito makita dahil sa kakaunti lang ang bukas sa ilaw sa lugar.

"Ano ba yung sasabihin mo? Tsaka bakit dito pa talaga sa field?"

Curious na tanong ni Scarlet kay Kevin.

"Sinurpresa ka daw kanina ni King dito mismo sa gitna nang soccer field?"

Tugon naman ni Kevin sa kanya na hindi sinagot ang kanyang mga tanong.

Tumango at ngumiti si Scarlet, "Oo, dito mismo sa gitna. Yun ang unang beses na may gumawa nun sakin, kaya tuwang-tuwa talaga ako kanina pero syemperds hindi ko pinahalata sa kanya. Pero bakit mo pala natanong?"

Tinignan naman siya ni Kevin, tinitigan niya si Scarlet. Ngunit hindi parin talaga makita nang dalaga ang buong mukha niya kasi natatakpan ng ulo nito ang ilaw mula sa likod.

"At sinagot mo rin daw si King dito?"

Muli pang tanong ni Kevin sa kanya.

"Oo, sinagot ko na siya kanina kahit hindi naman talaga siya nanligaw sakin. Iba rin kasi talaga ang  takbo nang utak nun, hahaha."

Natatawa pang sagot ni Scarlet sa tanong niya.

Ngunit agad rin siyang napatigil sa pagtawa dahil sa hindi naman tumawa si Kevin sa sinabi niya. Kumunot ang kanyang noo kasi naiinis na siya sa pagiging weird nito.

"Teka nga, ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba? Masyado kang seryoso ngayong araw."

Kunot-noo niyang tanong kay Kevin.

"Hindi ako okay nang dahil sayo."

Seryosong sagot ni Kevin sa kanya na mas lalo niyang ipinagtaka at ikinakunot ng noo.

Wala naman siyang naaalala na may nagawa siyang mali kay Kevin, ni minsan nga lang niya ito makasama.

"Paanong dahil sakin? Wala akong maalala na may ginawa ako sayong masama."

Pagdedepensa ni Scarlet sa kanyang sarili.

Humakbang papalapit sa kanya si Kevin na siyang nagpahakbang sa kanya paatras.

"Bakit kasi kailangang ikaw pa ang maging bagong reyna? Hindi pa talaga siya nakuntento, ginawa ka pa talaga niyang girlfriend."

Sarkastikong sambit ni Kevin na hindi na maintindihan pa ni Scarlet.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan! Bahala ka nga dyan, pupunta na ko sa dorm."

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon