Chapter 10

8.8K 271 4
                                    

T H I R D  P E R S O N

Kinaumagahan, maagang nagising si Scarlet dahil sa maaga rin naman siyang natulog dahil sa pagod na pagod siya kahapon.

Pagkatapos niyang asikasuhin ang kanyang sarili ay lumabas na agad siyang nang kwarto at naabutan si Andrea na inaayos ang suot niyang dress. Pilit nitong inaabot ang zipper sa kanyang likod pero di niya ito maabot-abot.

Nilapitan naman siya ni Scarlet para tulungan.

"Let me help you with that."

Nakangiti naman siyang nilingon ni Andrea.

"Good morning, Scarlet! Please help me, kanina ko pa inaabot yan pero di ko talaga maabot eh."

Nakasimangot na sambit ni Andrea kaya naman bahagyang natawa si Scarlet sa kanya.

"Okay, please turn around and stop frowning."

Nandidiring sambit ni Scarlet.

Agad namang tumalikod si Andrea at inayos ni Scarlet ang zipper ng kanyang dress.

"Thank you so much, Queen!"

Natutuwang sambit ni Andrea kay Scarlet na siya namang inirapan siya dahil sa sinambit nito.

"I told you last night na ayokong maging Queen, so stop calling me that."

Kunot-noong saway ni Scarlet sa kanyang kaibigan.

"I don't care! I still wanna call you as Queen, mas maikli rin yun kaysa sa name mo."

Sambit ni Andrea habang may mapang-asar na ngiti sa kanya, muli na lamang niya itong inirapan at nauna nang lumabas ng dorm nilang dalawa.

"Wait for me, Queen!"

Malakas na sigaw ni Andrea sa hallway ng mga dorms na narinig nang lahat ng babaeng nasa hallway.

"Aish! Ang ingay talaga nang bibig nun ni Andrea."

Naiinis na sambit ni Scarlet sa kanyang sarili.

Binilisan na lamang niya ang kanyang paglalakad at hindi pinapansin ang mga tingin sa kanya nang mga estudyante sa paligid.

Paglabas niya nang building ng girls' dorm ay nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Ngunit napapansin parin niya ang mga kakaibang tingin sa kanya nang mga estudyante sa kanyang paligid.

Unti-unti naman na siyang naiirita dahil sa paraan ng pagtingin ng mga estudyante sa kanya, para bang may nagawa siyang malaking kasalanan kaya ganun na lamang ang kanilang tingin sa kanya.

Huminto siya sa gitna nang hallway at humingang malalim.

"Stop staring at me!"

Malakas niyang sigaw na dumagundong sa buong hallway.

Mabilis namang nag-iwas ng tingin ang lahat ng estudyante dahil sa malakas niyang sigaw.

"Yow, Scarlet. Calm down."

Biglang sambit ni Kevin na bigla nalang sumulpot out of nowhere.

"Why are they staring at me like as if I've done something wrong?!"

Naiinis nitong sambit kay Kevin.

"Chill! I don't have any idea too. Kumalma ka muna, pakalmahin mo yung puso mo."

Nakangiting biro ni Kevin sa kanya.

Inirapan naman siya ni Scarlet at muling nagpatuloy sa paglalakad, napailing nalang si Kevin dahil sa pagiging masungit nito sa kanya ngayon.

Owned by the Vampire KingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin