Chapter 30

6.2K 209 13
                                    

T H I R D  P E R S O N

Pagkatapos ng nangyaring komprontasyon sa kwarto ni King ay nag-walk out lamang si Monica, tatlong araw na ang nakakalipas simula nang nangyari ito at hanggang ngayon ay hindi pa ulit nagpapakita si Monica sa mga Royalties.

Simula nang napawi na ang uhaw ni King ay mas lalo siyang naging possessive, clingy at territorial pagdating kay Scarlet. Gustong-gusto niya na lagi lang itong nasa tabi niya, ayaw na ayaw rin niyang may lumalapit na ibang lalake sa dalaga kahit pa sina Kelly at Dustin. Habang si Scarlet naman ay napapailing nalang sa pagiging ganun ni King, minsan ay pinapagalitan niya ito.

Kasalukuyan silang nasa sala nang Headquarter. Si Dustin ay busy sa pagbabasa, si Cindy, Scarlet at Kelly ay nanonood ng series sa kanilang television, habang si King naman ay busy sa pagyayakap at pag-amoy amoy kay Scarlet.

"King, I just remember that tonight will be the private party of the High Council. We're attending the party, right?" biglang tanong ni Dustin.

"Yeah, we need to attend that party. They also want to meet my Queen." tugon ni King habang patuloy na niyayakap si Scarlet mula sa likod ng dalaga.

Kumunot naman ang noo ni Scarlet dahil sa sinagot ni King kaya nilingon niya ito at tinignan ng may pagtataka.

"Bakit gusto nila akong makilala?" curious na tanong niya kay King.

"They always want to meet the new member of the Royalties, especially if you are the new King or the new Queen." sagot ni Cindy sa tanong.

Tumango naman si King bilang pagsang-ayon sa sinagot ni Cindy, pero halata parin ang pagka-curious ni Scarlet kaya nginitian siya nang binata.

"They also met Monica back then, that's why they want to meet you too since you are the new Queen. Every members of the High Council are very intrigue about you, my love, this is actually the first time that they want to meet the new Queen as soon as possible." sambit ni King habang nakatitig kay Scarlet.

"Totoo yung sinasabi ni King, Scarlet! Nung naging Queen si Monica, umabot muna nang two to three months bago nagsabi ang High Council na gusto nilang makita at makilala ang new Queen noon. Pero nung nalaman nila na ikaw ang bagong reyna nang SU at ng Royalties, nagmamadali silang makilala at makita ka. They are very curious about you, Scarlet." biglang sambit ni Kelly habang nakatingin parin sa pinapanood nilang movie.

"V-Vampire rin ba silang lahat?" tanong ni Scarlet sa kanila.

Sabay-sabay tumango sina Dustin, Kelly at Cindy.

Nilingon siya ni Cindy, "Yep, lahat ng makikita at makikilala mo mamaya sa party ay mga vampires katulad naming apat." tugon niya.

"You don't have to worry about anything, Scarlet. They will never touch you or even try to hurt you because you are the Queen, they are prohibited to touch you as long as you are sitting on your throne." sagot rin ni Dustin sa tanong niya.

"And I will never let them do anything to you, my love. You are safe and secured with me, I can assure you about that." sambit rin ni King at hinalikan ang kanyang noo.

"Nakaka-goosebumps yung pagiging sweet ni King! Kinikilabutan ako eh!" biglang sigaw ni Kelly.

"Sus! Naiinggit ka lang sa pagiging sweet nilang dalawa eh! Wala ka kasing jowa, kaya ka naiinggit." pang-aasar ni Cindy kay Kelly.

Sinamaan ng tingin ni Kelly si Cindy na ginantihan naman siya nang pagtaas nito nang kanyang kilay.

"Wow? Sayo pa talaga nanggaling ah? Wala ka rin namang jowa ah! Kung makapagsalita ka dyan ah, palibhasa kasi walang nagkakagusto sayo dito sa SU kasi mukha kang kuto!" ganting pang-aasar ni Kelly.

Owned by the Vampire KingWhere stories live. Discover now